Repleksyon sa Linggong ito...
Bago ko
simulan ang pagsasalaysay ng aking repleksyon sa linggong ito, nais ko lamang
ipabatid sa mga lumaban sa Regional School Press Conference (RSPC) na galingan
nila at nawa’y patnubayan sila n gating Mahal na Panginoon.
Dalawang araw wala ang mga kamag-aral ko na
lumaban sa RSPC kasama rin an gaming guro sa Filipino. Kaya naman si G. Mixto
ang pansamantalang humalili sa kanya. Sa loob ng mga araw na iyon, tinalakay namin
ang mga tauhan sa nobelang Noli Me Tangere at ang sinisimbolo nila. Inaamin ko
na, ngayon ko lamang sila nakilala ng lubusan. Oo, naririnig ko ang mga
pangalan nila ngunit hindi ko alam kung sino ba talaga sila at kung ano ang
naging kontribusyon nila sa ating kasaysayan.
Sa
pagbabalik ng aming guro, ipinagpatuloy niya ang naiwang aralin ng gurong
humalili sa kanya. Kinamusta rin niya ang aming produkto na isang movie trailer at film na pumapatungkol sa Noli Me Tangere. Pinaalala niya rin na ang
parade ng mga tauhan ay magaganap sa susunod na Martes, sa kadahilanang hindi
maari sa Biyernes sapagkat ang mga babaeng iskawt ay may camping sa Boso-Boso at isa
na ako roon.
Sa
kabilang banda, kung ikukumpara ko ang nobelang Noli Me Tangere sa Florante at
Laura, mas naantig ang puso ko sa Noli Me Tangere dahil nilalaman nito. Isa pa,
mas madali kong naunawaan ang Noli Me Tangere kaysa Florante at Laura dahil ito’y
pasalaysay hindi katulad sa Florante at Laura na patula.
No comments:
Post a Comment