Sunday, November 30, 2014

Aralin 3.2

Aralin 3.2  
     Natapos na ang lingo ng unang aralin. Ngayon naman ay dumako tayo sa unang linggo ng aming talakayan sa ikalawang aralin sa ikatlong markahan.
     Noong nakaraang lingo, binigyan kami ng takdang aralin ng aming guro kung saan isusulat naming ang mensaheng nakalagay sa Mateo 20: 1-16 sa Bagong Tipan. Ngayong araw na ito tinalakay naming ang laman ng mensaheng iyon. At an gaming naging talakayan ay patungkol sa Parabula. Noong bata pa lamang ako, lagi kong naririnig ang mga parabula. Ito ay hango sa makatotohanang pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus at ito ay matatagpuan sa banal na Bibliya. Sa mga bata, lagi itong naririnig sapagkat bawat parabula ay naglalaman ng mga talinghaga at moral na aral. Ang talinghaga ay pangungusap,parirala o isang sanaysay na may malalim o hindi tuwirang katuturan na kailangang pag-isipang mabuti upang maunawaan. Sa pagtalakay naming sa nilalaman ng Mateo 20: 1-16, ito patungkol sa may-ari ng ubasan na naghahanap ng manggagawa. Binigyan kami ng takdang aralin kung saan bibigyan naming ng literal, simboliko, at espiritwal na kahulugan ang mga salitang nasa parabulang may-ari ng ubasan. Sa huling araw ng linggong ito, lahat ng miyembro ng Girl Scout of the Philippines ay hindi makakapasok sa kani-kanilang klase sapagkat iyon ang araw ng GSP Investiture. At dahil miyembro ako, hindi ako nakapasok sa klase kahit ganoon, tinanong ko pa rin ang aking kaklase tungkol sa mga napag-aralan sa araw na iyon. Ang kanilang napag-aralan ay tungkol sa Metapora at Semantiks.
           
“Kaya’y ang mga una’y mangahuhuli at ang mga huli ay mangauuna”

       Mateo 20:16

Saturday, November 22, 2014

Aralin 3.1 (Pangatlong Linggo)



Nobyembre 18,2014
     Nagbalik-aral kami sa tinalakay noong nakaraang linggo. Kinabahan ako dahil baka wala silang natutunan sa akin. Pero natuwa ako, kahit papaano mayroon silang natutunan at nakasagot sila sa tanong ng aming guro. Upang mabigyang linaw ito, tinalakay ulit na aming guro ang aralin tungkol sa paghahambing. Bago matapos ang aming oras, nagbigay siya ng takdang aralin na kung saan maghahambing kami ng dalawang pelikulang napanood na namin.
Nobyembre 19, 2014
      NCAE ng mga nasa baitang siyam
Nobyembre 20, 2014
       Ngayong araw na ito, ipinaliwanag ng aming guro ang tungkol sa informance bilang bahagi ng aming produkto sa ikatlong markahan. Ang bawat grupo ay pipili ng isang  epiko mula sa asya at ang bawat miyembro ng pangkat ay gaganap sa mga karakter ng napiling epiko kung sa wikang Ingles , ito ay cosplay at itatanghal namin ito sa entablado. Pagkatapos, ipinasa namin ang aming mga takdang aralin. Bumunot ng isang papel ang aming guro at siyang magbabahagi ng kanyang gawa sa harap ng klase. Nagbigay din ng gawain ang aming guro na may kinalaman sa paghahambing. Kinakailangan naming maghambing ng mag-aaral sa aming klase gamit ang mga salitang panghambing na nasa pisara at tumawag siya ng estudyante na  magbabasa ng kanyang sagot.
Nobyembre 21, 2014

     Bago magsimula ang talakayan, nagtanong ang aming guro kung sino sa amin ang may kamag-anak na nakapag-asawa ng taga-ibang bansa. Ilan sa mga kaklase ko ang nagtaas. Binalikan muli namin ang epikong mula sa India na Rama at Sita. Sinagutan namin ang ilang mga katanungan ng may kinalaman sa mga tauhan sa epiko at ang kanilang mga katangian. Nagbigay din siya ng mga sitwasyon na kailangan naming sagutan na nagpapatunay ng tunay na pagmamahal sa isang tao. Pinaalala rin niya na sa Lunes na ang pasahan ng aming proyekto tungkol sa “Illustrado”.

Saturday, November 15, 2014

Aralin 3.1-(Ikalawang Linggo)

Nobyembre 11,2014
       Ngayong araw na ito,wala ang aming guro sa Filipino na si Gng. Mixto.Inatasan niya si Bb. Basbas upang magturo sa aming klase ngunit sa kasamaang palad, masakit ang kanyang lalamunan kaya hindi siya maaaring magturo.Kaya kinausap niya ako at inatasan na magturo sa aming klase.Bago magpasukan, ibinigay ni Bb. Basbas ang aralin na aking tatalakayin pati na ang mga gawaing isasagawa at inaral ko ito ng mabuti upang maituro ko siya na maayos.Nakakatuwang isipin, kahit wala ang aming guro, nagawa nila akong  igalang at makinig sa aking pagtuturo.Ayon sa kanila, naunawaan naman daw nila ang araling tinalakay ko.Nagbigay ako ng pangkatang gawain na kung saan bawat pangkat ay pipili ng 10 salita na ginagamit sa paghahambing at gamitin ito sa pagbuo ng pangungusap.Mahuhusay sila sa paggamit ng mga salitang panghambing ngunit hindi pa sila ganoon kahusay sa tamang pagsulat ng pangungusap.Nakakaligtaan nila ang tamang paggamit ng malaking titik at paglalagay ng wastong bantas.Nakakalungkot isipin na bawat pangkat ay nakakuha ng mabababang puntos.Bago matapos ang oras ng Filipino, nagpauwi ako ng pangkatang gawain na kung saan pipili sila ng dalawang bansa sa Timog-Kanlurang Asya at ihambing ang mga ito.

Nobyembre 12,2014
       Ako muli ang nagturo sa araw na ito.Nagbalik aral kami sa mga tinalakay kahapon.Inatasan ko ang bawat lider ng pangkat na ipaskil ang kanilang pangkatang gawain.Ayon, sa sinabi ni Bb. Basbas, ang mag-uulat ay ang mag-aaral na may letrang “J” ang unang titik na kanilang pangalan.Pagkatapos ng pag-uulat nagbigay ako ng dalawang indibidwal na gawain.Ang unang gawain ay ang paghambingin ang dalawang dating babaing pangulo ng Pilipinas na sina Corazon Aquino at Gloria Arroyo.Ang pangalawang gawain naman ay bubuo sila ng pangungusap gamit ang mga salitang nakapaskil sa pisara.
       Pagkatapos kong magturo sa kanila,marami akong narinig na komento. Kahit ang iba ay negatibo ikinatuwa  pa rin ito ng aking puso dahil  nakita ko ang mga bagay na kailangan pang  mapaunlad.Naranasan ko kung gaano pala kahirap ang mga tungkulin ng bawat guro lalo na kapag ang mga estudyante ay pasaway pero kahit ganoon, masaya pa rin.
Nobyembre 13-14,2014
        Sa mga araw na ito,wala kaming  regular na klase dahil nagsasanay para NCAE ang mga mag-aaral sa baitang 9.
                       
        

Saturday, November 8, 2014

Aralin 3.1- (unang linggo)



Aralin 1
Bansang India
 Ang India o opisyal na tinutukoy na Republika ng India ay isang bansang matatagpuan sa Timog Asya. Ito ay ang ikaapat na pinakamalaking bansa sa buong mundo ayon sa lawak ng teritoryo.
Ang mga karatig-bansa ng India ay ang: Tsina, Pakistan, Bhutan, Myanmar, Nepal, at Bangladesh.
Ang mga pinakamahahalagang lungsod ay Mumbai (dating Bombay), New Delhi, Kolkata (dating Calcutta), at Chennai(dating Madras).

      Pinagkunan: http://tl.wikipedia.org/wiki/India


Unang Linggo ng Ikatlong Markahan
(Nobyembre 4-7,2014)
         Sa unang araw ng linggong ito, nagkaroon kami ng Paunang Pagsusulit upang masukat ang aming nalalaman tungkol sa araling aming  tatalakayin .Nakakatuwang isipin na kahit kaunti,may alam na kami sa araling tatalakayin.Sa sumunond na mga araw, tinalakay ng aming guro ang mga elemento sa paggawa ng isang Movie Trailer.Sa paggawa nito, mayroon walong element:
1.Istorya
2.Storyboard
3.Direktor
4.Sinematograpiya o ang larawang anyo ng pelikula
5.Disenyong set
6.Bisa ng tunog
7.Camera Operator
8.Sound men
            Ito ay malaking tulong sa amin upang makagawa ng kapana-panabik na Movie Trailer.Binigyan din kami ng aming guro ng mga halimbawa ng mga MovieTrailer at iba’t ibang uri ng mga shots.
           Tinalakay din namin ang Epiko.Ito ay isang uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang bayani sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala.Ang Ramayana at Mahabarata sa India kilalang pinakamahabang epiko sa buong mundo dahil mayroon itong 24,000 sanskrit o kabanata.Sa Pilipinas naman, kilala ang epikong, “Biag ni Lam-ang” na nagmula sa Rehiyon ng Ilocos.
           Nagkaroon kami ng takdang aralin kung saan, itatala naming ang katangian ng bawat tauhan sa Rama at Sita  at ang mga kababalaghang pangyayari pati na rin ang mga kabayanihang pangyayari.Sinagutan din namin ang mga tanong ukol sa epikong ito.http://filipinobaitang9.blogspot.com/2014/11/epiko-rama-at-sita-isang-kabanata.html )

Panimula:

Panimula:
      Isang magandang paglalakbay ang aking naranasan sa Silangang Asya, noong nakaraang Ikalawang Markahan.Sa paglalakbay na iyon, nagbaon ako ng maraming kaalaman hindi lamang tungkol sa kanilang kultura’t tradisyon kundi pati na rin sa kanilang mga kilalang panitikan.Lubos akong humahanga sa kanila, sapagkat ang kanilang panitikan ay mas lalo pa nilang napagyayaman hanggang sa kasalukuyang panahon.Dahil ditto, maraming tao ang nakakatuklas at natuto.
    At ngayong Ikatlong Markahan, tara na’t maglakbay naman sa Timog-Kanlurang Asya.