Monday, February 9, 2015

Ikaapat na Linggo

"Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa amoy ng malansang isda" -Dr. Jose P.Rizal

Repleksyon sa linggong ito…
        Nais ko lang sanang ibahagi ang aming kasiyahang nadarama noong nagkaroon na kami ng telebisyon (LED TV) sa aming silid-aralan. Kaya naman, tuwang-tuwa kami nang una namin itong gamitin.Bilang parte ng aming aralin, nagpalabas ng mga larawan ang aming guro kung saan inilarawan nito ang mga tauhan ng Noli Me Tangere.
        Bago nagsimula ang pag-uulat ng bawat pangkat ukol sa mga kabanata ng Noli Me Tangere, ipinagpatuloy namin ang talakayan tungkol sa mga katangian ng bawat tauhan ng nobelang isinulat ni Dr. Jose Rizal. Kung ako man ay makapasok sa nobela niya, nais kung tanungin si Sisa kung bakit siya nagpapakamartyr sa asawa niyang mapanakit at pabaya.Naawa kasi ako sa kanya dahil hindi man lang siya lumaban. Nakakalungko isipin na sa panahon ngayon, mayroon pa ring mga babaeng katulad ni Sisa.
         Nabasa ko na ang mga kabanata na inulat ng unang pangkat, kaya naman madali na sa akin upang maunawaan ito, gayundin ang mga iba kong kamag-aral. Dapat bago matapos ang linggong ito, nakapag-ulat na ang dalawang pangkat. Ngunit hindi ito natapos, hanggang ika-10 kabanata lamang dahil hindi sapat ang aming oras. Kaya naman, ipagpapatuloy namin ito sa susunod na linggo.


         

No comments:

Post a Comment