Repleksyon sa Linggong ito...
Noong nakaraang linggo, natapos na naming
i-ulat ang mga kabanata na may kaugnayan kay Crisostomo Ibarra. Ngayong
linggong ito, hinimay namin ang mga
mahahalagang pangyayari sa mga kabanatang iyon sa pamamagitan ng pag-uulat. Una ay ang mga
reaksiyon ng mga tao sa bayan ng San Diego sa pagdating ni Ibarra galing sa Europa. Pangalawa ay
si Crisostomo bilang mangingibig. Pangatlo ay si Crisostomo bilang mabuti at
mapagmahal na anak. Panghuli’t pang-apat ay ang mga hangarin ni Crisostomo para
sa kanyang bayan at ang mga naging banta nito sa kanyang buhay. Sa tulong ng
mga ito, mas nalinawan pa ang bawat isa sa amin sa tunay na nilalaman ng
nobelang Noli Me Tangere.
Noong ika-19 ng Pebrero, wala kaming
pasok sapagkat ito ay mahalagang araw ng mga Tsino (Chinese New Year). Kaya naman, ang mga tao lalo na ang TsiNoy o
Pilipino na may dugong Tsino ay abalang abala. Laganap din ang mga ibinibenta nila na mga pampaswerte at mga pagkain tulad ng Tikoy.
Sa huling araw ng linggong ito, binalikan
namin ang mga mahahalagang pangyayaring naganap sa Noli Me Tangere. Mula sa
unang kabanata hanggang sa dulo.
Sa kabuuan ng nobela, naantig talaga ako
sa kwento nito. Kung susuriin itong mabuti, marami itong mga mahahalagang
mensahe at aral na nais ipabatid, sa buhay, sa pamilya, sa bayan at sa buhay
pag-ibig.
No comments:
Post a Comment