Saturday, February 14, 2015

Ikalimang Linggo

"Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa amoy ng malansang isda" -Dr. Jose P.Rizal

Repleksyon sa linggong ito…
        Sa wakas, natapos na ring iulat ng bawat pangkat ang mga kabanata ng Noli Me Tangere na naka-atas sa kanila. Naging matagumpay naman ang pag-uulat ng bawat pangkat. Naihatid nila ng maayos ang mensahe ng bawat kabanata sa pamamagitan ng malikhaing pamamaraan. Sa bawat pag-uulat ng mga pangkat, kinakailangan naming kunin ang mahahalagang pangyayari na may kaugnayan kay Crisostomo Ibarra at dahilan kung bakit ito mahalaga.
        Ang aming pangkat ang pinakahuling nag-ulat. Sa aming pag-uulat, may mga estudyanteng galing ibang seksyon/pangkat pumunta sa aming silid upang makinig sa aming pag-uulat.
        Sa pamamagitan ng mga pag-uulat na ito, mas madali naming naunawaan ang kwento ng nobelang isinulat ni Rizal na Noli Me Tangere. Para mas lalo ko itong maunawaan, binasa ko ang buong libro ng Noli ME Tangere dahil ang mga mahahalagang pangyayari lamang na may kaugnayan kay Crisostomo Ibarra ang inulat ng mga pangkat.
        Sa huling araw ng linggong ito, may gawaing binigay ang aming guro
para sa espesyal na araw sa buwan ng Pebrero, ang Araw ng mga Puso, Para sa aming gawain, gagawa kami ng tula sa halip na liham para sa taong mahal o mahalaga sa buhay namin. Upang maging maganda ang presentasyon, nilagyan naming ito ng magaganda at makukulay na disenyo.



No comments:

Post a Comment