Friday, January 23, 2015

Ikalawang Linggo

"Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa amoy ng malansang isda" -Dr. Jose P.Rizal

Repleksyon sa Linggong ito...

        Ngayong linggong ito, tinalakay naming ang tungkol sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere. Noong nasa baitang 7 kami, naitalakay na rin ng aming guro sa Araling Panlipunan tungkol sa pagsakop ng bansang Espanya  sa Pilipinas. Hindi makatarungan ang kanilang ginawang pang-aalipusta, pang-aalipin at pang-aabusong ginawa ng espanyol sa ating mga Pilipino lalo na ang mga prayle. Hindi ko lubos maisip kung paano nila iyon nagawa sa kabila ng paglilingkod nila sa simbahang Katolika. Kunsabagay, hindi sila totong naglilingkod sa Diyos. Ayon sa napag-aralan namin, ang mga prayleng nang-abuso sa mga Pilipino ay hindi naman talaga mga Pari, sila ay mga takas na bilanggo na ipinatapon sa Pilipinas. Pero paano nila nagawa na gamitin ang Diyos at ang Kanyang salita upang makapanakit ng kapwa at makuha ang kanilang makamundong hangarin?
         Dahil sa mga ginawa ng mga kastila nahimok ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal sumulat ng mga nobela na pumapatungkol sa pang-aabuso ng mga kastila. Isa na nga rito ang kanyang nobela na ‘Noli Me Tangere’.  
         Isa sa mga araw ng linggong ito, nagkaroon kami ng isang debate tungkol sa paksang ‘Dapat ba o di dapat ginamit ni Rizal ang kanyang panulat sa kapakanan ng bayan?’ Ako ay nasa panig ng ‘Dapat’ dahil sa pamamagitan ng kanyang mga isinulat, namulat ang mga Pilipino at nakamtan natin ang kalayaang tinatamasa natin ngayon.
        Binasa rin namin ang tulang isinulat ni Rizal na ‘Ang aking Kababata’ at anekdota niya na ‘Ang Tsinelas at si Pepe’ at ‘Ang gamu-gamo at si Pepe’. Naaalala ko pa noong ako’y nasa elementarya, ito ang mga kwentong paulit-ulit na kinukwento ng aming mga guro na animo’y isang simpleng  kwento lamang. Hindi mo aakalain na sa simpleng kwento na ito ay may mahalagang aral tayong natututunan.

No comments:

Post a Comment