Aralin 3.3
Disyembre 02,2014
Noong nakaraang linggo, natapos naming italakay ang pangalawang aralin tungkol sa "Parabula at Talinghaga". Noong nakaraang biyernes, tinalakay nila ang 'Parabula ng Banga'. At dahil wala kaming mga girls scout, nagbalik-aral kami tungkol doon. Napakaganda ng mensahe ng parabulang iyon na kung saan inihantulad sa isang babae ang bangang gawa sa lupa at sa lalaki naman ang porselana. Pagkatapos, nagkaroon kami ng pagsasanay kung saan bibigyan namin ng literal at metaporikal na kahulugan at gagamitin namin ito sa isang pangungusap. Bilang pangkatang gawain, ihahambing namin ang epiko at parabula at iuulat namin ito kinabukasan.
Disyembre 03,2014
Pagkatapos mag-ulat ng bawat grupo, nagkaroon kami ng gawain kung saan gagawa kami sariling parabula tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa pag-aaral. Sapagkat hindi namin ito natapos, ginawa na lang namin itong takdang aralin.
Disyembre 04,2014
Bilang panimula sa bagong aralin, tinanong kami ng aming guro kung paano namin inilalabas ang aming galit o anong ginagawa namin kapag nagagalit. May sumagot na nagsusulat, dinadaan na lang sa tawa, pagkain , yung iba natutulog, gumagala at kung anu-ano pa. Pagkatapos may, ipinarinig sa amin ang aming guro na isang voice record. Naantig ang aking puso sa mensahe ng isang anak para sa kanyang mga magulang. Naiiyak na ako habang pinapakinggan ko iyon. Sinagutan namin ang ilang mga katanungan tungkol doon. Tinanong kami ng aming guro kung anong naramdaman namin noong may nawala isa sa mahal namin sa buhay. Pinasulat na lang ng aming guro ang aming mga kasagutan dahil medyo emosyonal. Bago matapos ang oras namin, binilin ng aming guro na magkaroon ng kopya ng 'Elehiya sa Kamatayan ng aking Kapatid'
Disyembre 05,2014
Binasa namin ang 'Elehiya sa Kamatayan ng aking Kapatid' at bawat linya tinalakay namin upang maunawaan namin ang nilalaman at mensahe nito.
Sunday, December 7, 2014
Sunday, November 30, 2014
Aralin 3.2
Aralin 3.2
Natapos
na ang lingo ng unang aralin. Ngayon naman ay dumako tayo sa unang linggo ng aming
talakayan sa ikalawang aralin sa ikatlong markahan.
Noong
nakaraang lingo, binigyan kami ng takdang aralin ng aming guro kung saan
isusulat naming ang mensaheng nakalagay sa Mateo 20: 1-16 sa Bagong Tipan.
Ngayong araw na ito tinalakay naming ang laman ng mensaheng iyon. At an gaming naging
talakayan ay patungkol sa Parabula. Noong bata pa lamang ako, lagi kong
naririnig ang mga parabula. Ito ay hango sa makatotohanang pangyayaring naganap
noong panahon ni Hesus at ito ay matatagpuan sa banal na Bibliya. Sa mga bata,
lagi itong naririnig sapagkat bawat parabula ay naglalaman ng mga talinghaga at
moral na aral. Ang talinghaga ay pangungusap,parirala o isang sanaysay na may
malalim o hindi tuwirang katuturan na kailangang pag-isipang mabuti upang
maunawaan. Sa pagtalakay naming sa nilalaman ng Mateo 20: 1-16, ito patungkol
sa may-ari ng ubasan na naghahanap ng manggagawa. Binigyan kami ng takdang
aralin kung saan bibigyan naming ng literal, simboliko, at espiritwal na
kahulugan ang mga salitang nasa parabulang may-ari ng ubasan. Sa huling araw ng
linggong ito, lahat ng miyembro ng Girl Scout
of the Philippines ay hindi makakapasok sa kani-kanilang klase sapagkat
iyon ang araw ng GSP Investiture. At
dahil miyembro ako, hindi ako nakapasok sa klase kahit ganoon, tinanong ko pa
rin ang aking kaklase tungkol sa mga napag-aralan sa araw na iyon. Ang kanilang
napag-aralan ay tungkol sa Metapora at Semantiks.
“Kaya’y ang mga una’y mangahuhuli at ang mga huli
ay mangauuna”
–
Mateo 20:16
Saturday, November 22, 2014
Aralin 3.1 (Pangatlong Linggo)
Nobyembre 18,2014
Nagbalik-aral kami sa tinalakay noong
nakaraang linggo. Kinabahan ako dahil baka wala silang natutunan sa akin. Pero
natuwa ako, kahit papaano mayroon silang natutunan at nakasagot sila sa tanong
ng aming guro. Upang mabigyang linaw ito, tinalakay ulit na aming guro ang
aralin tungkol sa paghahambing. Bago matapos ang aming oras, nagbigay siya ng
takdang aralin na kung saan maghahambing kami ng dalawang pelikulang napanood
na namin.
Nobyembre 19, 2014
NCAE ng mga nasa baitang siyam
Nobyembre 20, 2014
Ngayong araw na ito, ipinaliwanag ng aming guro ang tungkol sa informance bilang bahagi ng aming
produkto sa ikatlong markahan. Ang bawat grupo ay pipili ng isang epiko mula sa asya at ang bawat miyembro ng
pangkat ay gaganap sa mga karakter ng napiling epiko kung sa wikang Ingles ,
ito ay cosplay at itatanghal namin
ito sa entablado. Pagkatapos, ipinasa namin ang aming mga takdang aralin.
Bumunot ng isang papel ang aming guro at siyang magbabahagi ng kanyang gawa sa
harap ng klase. Nagbigay din ng gawain ang aming guro na may kinalaman sa
paghahambing. Kinakailangan naming maghambing ng mag-aaral sa aming klase gamit
ang mga salitang panghambing na nasa pisara at tumawag siya ng estudyante na magbabasa ng kanyang sagot.
Nobyembre 21, 2014
Bago magsimula ang talakayan,
nagtanong ang aming guro kung sino sa amin ang may kamag-anak na nakapag-asawa
ng taga-ibang bansa. Ilan sa mga kaklase ko ang nagtaas. Binalikan muli namin
ang epikong mula sa India na Rama at Sita. Sinagutan namin ang ilang mga
katanungan ng may kinalaman sa mga tauhan sa epiko at ang kanilang mga
katangian. Nagbigay din siya ng mga sitwasyon na kailangan naming sagutan na
nagpapatunay ng tunay na pagmamahal sa isang tao. Pinaalala rin niya na sa
Lunes na ang pasahan ng aming proyekto tungkol sa “Illustrado”.
Saturday, November 15, 2014
Aralin 3.1-(Ikalawang Linggo)
Nobyembre 11,2014
Ngayong
araw na ito,wala ang aming guro sa Filipino na si Gng. Mixto.Inatasan niya si
Bb. Basbas upang magturo sa aming klase ngunit sa kasamaang palad, masakit ang
kanyang lalamunan kaya hindi siya maaaring magturo.Kaya kinausap niya ako at
inatasan na magturo sa aming klase.Bago magpasukan, ibinigay ni Bb. Basbas ang
aralin na aking tatalakayin pati na ang mga gawaing isasagawa at inaral ko ito
ng mabuti upang maituro ko siya na maayos.Nakakatuwang isipin, kahit wala ang
aming guro, nagawa nila akong igalang at
makinig sa aking pagtuturo.Ayon sa kanila, naunawaan naman daw nila ang araling
tinalakay ko.Nagbigay ako ng pangkatang gawain na kung saan bawat pangkat ay
pipili ng 10 salita na ginagamit sa paghahambing at gamitin ito sa pagbuo ng
pangungusap.Mahuhusay sila sa paggamit ng mga salitang panghambing ngunit hindi
pa sila ganoon kahusay sa tamang pagsulat ng pangungusap.Nakakaligtaan nila ang
tamang paggamit ng malaking titik at paglalagay ng wastong bantas.Nakakalungkot
isipin na bawat pangkat ay nakakuha ng mabababang puntos.Bago matapos ang oras
ng Filipino, nagpauwi ako ng pangkatang gawain na kung saan pipili sila ng
dalawang bansa sa Timog-Kanlurang Asya at ihambing ang mga ito.
Nobyembre 12,2014
Ako muli ang
nagturo sa araw na ito.Nagbalik aral kami sa mga tinalakay kahapon.Inatasan ko
ang bawat lider ng pangkat na ipaskil ang kanilang pangkatang gawain.Ayon, sa
sinabi ni Bb. Basbas, ang mag-uulat ay ang mag-aaral na may letrang “J” ang
unang titik na kanilang pangalan.Pagkatapos ng pag-uulat nagbigay ako ng
dalawang indibidwal na gawain.Ang unang gawain ay ang paghambingin ang dalawang
dating babaing pangulo ng Pilipinas na sina Corazon Aquino at Gloria Arroyo.Ang
pangalawang gawain naman ay bubuo sila ng pangungusap gamit ang mga salitang
nakapaskil sa pisara.
Pagkatapos
kong magturo sa kanila,marami akong narinig na komento. Kahit ang iba ay
negatibo ikinatuwa pa rin ito ng aking puso dahil nakita ko ang mga bagay na
kailangan pang mapaunlad.Naranasan ko
kung gaano pala kahirap ang mga tungkulin ng bawat guro lalo na kapag ang mga
estudyante ay pasaway pero kahit ganoon, masaya pa rin.
Nobyembre 13-14,2014
Sa mga araw na ito,wala kaming regular na
klase dahil nagsasanay para NCAE ang mga mag-aaral sa baitang 9.
Saturday, November 8, 2014
Aralin 3.1- (unang linggo)
Aralin 1
Bansang India
Ang India o opisyal na
tinutukoy na Republika ng India ay isang bansang matatagpuan sa Timog Asya. Ito ay ang ikaapat na
pinakamalaking bansa sa buong mundo ayon sa lawak ng teritoryo.
Ang mga pinakamahahalagang lungsod ay Mumbai (dating Bombay), New Delhi, Kolkata (dating Calcutta), at Chennai(dating Madras).
Unang
Linggo ng Ikatlong Markahan
(Nobyembre 4-7,2014)
Sa unang araw ng
linggong ito, nagkaroon kami ng Paunang Pagsusulit upang masukat ang aming
nalalaman tungkol sa araling aming
tatalakayin .Nakakatuwang isipin na kahit kaunti,may alam na kami sa
araling tatalakayin.Sa sumunond na mga araw, tinalakay ng aming guro ang mga
elemento sa paggawa ng isang Movie Trailer.Sa paggawa nito, mayroon walong element:
1.Istorya
2.Storyboard
3.Direktor
4.Sinematograpiya o
ang larawang anyo ng pelikula
5.Disenyong set
6.Bisa ng tunog
7.Camera Operator
8.Sound men
Ito ay malaking tulong sa amin upang
makagawa ng kapana-panabik na Movie Trailer.Binigyan din kami ng aming guro ng
mga halimbawa ng mga MovieTrailer at iba’t ibang uri ng mga shots.
Tinalakay din namin ang Epiko.Ito ay
isang uri
ng panitikan na tumatalakay sa
mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang bayani sa mga kaaway na halos
hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Ang
Ramayana at Mahabarata sa India kilalang pinakamahabang epiko sa buong mundo
dahil mayroon itong 24,000 sanskrit o kabanata.Sa Pilipinas naman, kilala ang
epikong, “Biag ni Lam-ang” na nagmula sa Rehiyon ng Ilocos.
Nagkaroon kami ng takdang aralin kung saan, itatala naming ang katangian
ng bawat tauhan sa Rama at Sita at ang mga kababalaghang pangyayari pati na rin
ang mga kabayanihang pangyayari.Sinagutan din namin ang mga tanong ukol sa
epikong ito.( http://filipinobaitang9.blogspot.com/2014/11/epiko-rama-at-sita-isang-kabanata.html )
Panimula:
Panimula:
Isang
magandang paglalakbay ang aking naranasan sa Silangang Asya, noong nakaraang
Ikalawang Markahan.Sa paglalakbay na iyon, nagbaon ako ng maraming kaalaman
hindi lamang tungkol sa kanilang kultura’t tradisyon kundi pati na rin sa
kanilang mga kilalang panitikan.Lubos akong humahanga sa kanila, sapagkat ang
kanilang panitikan ay mas lalo pa nilang napagyayaman hanggang sa kasalukuyang
panahon.Dahil ditto, maraming tao ang nakakatuklas at natuto.
At
ngayong Ikatlong Markahan, tara na’t maglakbay naman sa Timog-Kanlurang Asya.
Tuesday, October 21, 2014
Bansang Mongolia - Elemento ng Dula
Aralin 2.5
Mongolia
Ang Mongolia
ay isang bansa sa Silangan at Gitnang Asya na lubos
na napapalibutan ng kalupaan. Nasa hilaga ng hangganang nito ang Russia at sa timog ang China. Kahit hindi nito
kahangganan ang Kazakhstan, ang
pinakakanlurang dulo nito ay 38 kilometro lang ang layo sa pinakasilangang dulo
ng Kazakhstan. Ulan Bator ang kabisera at
pinakamalaking lungsod ng Mongolia, kung saan 45 porsiyento ng populasyon ng
bansa ay dito nakatira. Ang pamahalaan ng Mongolia ay isang republikang
parliyamentaryo.
Munting Pagsinta
mula sa pelikulang Mongol: The Rise of Genghis Khan
ni Sergei Bordrov
Hinalaw ni Mary Grace A. Tabora
Mga Tauhan:
Temüjin- anak ni Yesügei na mula sa Tribong
Borjigin
Yesügei- ama ni Temüjin
Borte- isang dalaginding na taga ibang
tribo
Tagpuan: Kawangis ng madilim na kalangitan
ang nadarama ng magiting na mandirigmang naninimdim sa takbo ng kapalarang
sinapit na nakatalungko sa isang sulok ng makipot at karima-rimarim na piitan.
Temüjin: Anong saklap na mapiit sa
kulungang malupit? Ito ay silid ng
kalungkutan.Tila
kailan lamang nang kasa-kasama ko si ama…
Yesügei: Temüjin, bilisan mo na riyan. Kailangan nating magmadali?
Temüjin: Bakit ama?
Yesügei: Malayo ang ating lalakbayin. Kailangang huwag tayong
magpatay-.
patay. Mahalaga ang ating
sasadyain.
Temüjin: Naguguluhan ako sa iyo ama. Kanina ka pa nagmamadali at
sinasabing mahalaga ang ating
sadya sa ating pupuntahan? Ano ba
iyon?
Yesügei: Ika’y siyam na taong gulang na, sa edad mong iyan Temüjin ay
dapat ka nang pumili ng iyong
mapapangasawa.
Temüjin: Itay ako’y masyado pang bata para sa bagay na iyan. Ang
kasal ay
sa matatanda lamang.
Yesügei: Aba’t ang batang ito, hindi naman ibig sabihin na kapag
nakapili ka
na ng babaing pakakasalan mo ay
magsasama na kayo. Isang
simpleng pamimili lamang ng babae
ang gagawin mo at pangakong
siya’y iyong pakakasalan.
Temüjin: Ganoon po ba iyon?
Yesügei: Oo, anak.Tayo’y nabibilang sa Tribong Borjigin kaya’t ikaw
ay pipili
ng babaing mapapangasawa sa
Tribong Merit.
Temüjin: Bakit sa Tribong Merit siya kailangang magmula? Hindi naman
iyon
ang ating tribo.
Yesügei: Malaki ang atraso ko sa tribo, kaya’t sa ganitong paraan
ako’y
makababawi sa kanila.
Temüjin: Sa tingin mo ba ama sa ating gagawin ay kalilimutan na nila
‘yon
nang ganoon na lamang.
Yesügei: Hindi ko alam. Tingnan natin kung ano ang mangyayari. Mas
mabuting may gawin akong paraan
kaysa sa wala.
Temüjin: Kung iyan po ang sa tingin ninyo’y tama.
Tagpo:
Sa maliit na nayong liblib na kinatatayuan ng ilang kabahayan.
Yesügei: Temüjin, magpahinga muna tayo.
Temüjin: Mabuti ‘yan ama. Napagod na rin
ako. Gagalugarin
ko lamang ang paligid.
Yesügei: Huwag kang lalayo at mag-iingat ka.
Tagpo: Mapapadpad si Temüjin sa isang
dampa kung saan nakatira ang dalaginding na si Borte. Mabibigla siya sa di
inaasahang pagbagsak ng pinto ng kanilang kusina na likha ng aksidenteng
pagkabuwal ni Temüjin.
Borte:
Aaay! May magnanakaw!
Temüjin: Shhh (Tatakpan ang bibig ni Borte). ‘Wag kang sumigaw, wala
akong gagawing masama.
Borte:
(Pipiliting magsalita kahit nakatakip ang bibig.)
Temüjin: Tatanggalin ko ang pagkakatakip ng bibig mo kung mangangako
kang hindi ka
na mag-iingay. Magtiwala ka sa akin hindi ako.
masama
(Habang dahan- dahang inaalis ang kamay sa bibig ni
Borte.)
Borte: (Sa isang mahinang tinig) Bakit
kita paniniwalaan? Di naman kita
kilala.
Temüjin: Kahit di mo ako kilala kaya kong
patunayan sa iyo na ako’y mabuti.
Borte: (Mariing pagmamasdan si Temüjin)
Aber paano mo patutunayan ‘yang
sinasabi mo?
Sige nga! (Taas noo).
Temüjin: Basta ba di mo ako pagtatawanan
sa sasabihin ko sa iyong patunay.
Borte: Tingnan natin.
Temüjin: (Tila seryosong nag-iisip na may
ngiti sa labi)
Borte: Anong nginingiti mo riyan? Sabi
mo ‘wag akong tatawa, ikaw lang pala
ang tatawa.
Temüjin: Heto na, handa ka na ba?
Borte: Kanina pa, ang bagal mo naman.
Temüjin: Nais ko sanaaaannnng
(magkakandautal) sa…sanang ikaw ang
babaing
mapangasawa ko.( Mababa ang tono)
Borte: Siraulo ka ba? Niloloko mo ako
no? Kabata-bata pa natin.
Temüjin: Seryoso ako. Ano payag ka ba?
Borte: Ganon-ganon lamang ba iyon?
Temüjin: Alam kong mahirap akong
paniwalaan, hayaan mong ipaliwanag ko
sa iyo.
Kasama ko si Itay, kami’y papunta sa tribo ng mga Merit
upang pumili
ako ng aking mapapangasawa. Ngunit ikaw ang ibig ko,
ikaw ang
pinipili ko.
Borte: Anong mayroon sa akin, bakit ako
ang pinili mo?
Temüjin: Di ko rin alam. Ang tanging alam
ko lamang ay ito ang ibinigay ng
pagkakataon
sa akin. Ikaw ang aking nakita. Kaya naman
pagbigyan mo
na ako. Hindi naman ibig sabihin na pumayag ka ay
pakakasal na
tayo.
Borte: (Di pa rin makapaniwala sa bilis
ng mga pangyayari) Di ko malaman
kung ano ang
dapat kong sabihin sa iyo. (Nag-aalangan) Pero… sige
na nga.
Temüjin: Salamat sa iyo, ako’y labis mong
pinaligaya. Asahan mong hindi ka
magsisi sa
iyong desisyon.
Borte: (Nahihiya at halos di
makapagsalita) Paano na ngayon?
Temüjin: Siyempre tuloy pa rin ang buhay natin. (Masuyo ang
pagkakatingin
kay Borte) Pero darating ang
panahon na tayo’y mamumuhay sa
iisang bubong. Magkatuwang na
aarugain ang ating mabubuting
anak.
Borte:
Matagal pa iyon.
Temüjin: Oo, pangako babalikan kita pagkatapos ng limang taon. Halika
puntahan
natin si Ama. (Kukunin ang
kamay ni Borte.)
Tagpo:Magkahawak kamay na naglalakad
sina Temüjin at Borte sa paghahanap sa ama kay Yesügei na kanilang makikita na
nakatunghay sa ilog.
Temüjin: Ama!
Yesügeii: (Mapapaharap at
magpapalipat-lipat ang tingin sa dalawa pati sa
kanilang
kamay) Anong…Sino siya…Bakit?
Temüjin: Ama, siya po ang babaing napili
ko. Si Borte.
Borte: Magandang hapon po. Kumusta po
kayo?
Yesügei: Pero…
Temüjin: (Agarang magsasalita) Paumanhin
po sa pagdedesisyon ko nang di
nagpapaalam
sa inyo pero buo po ang loob ko sa aking ginawa. Sana’y maunawaan n’yo po ako.
Yesügei: Ganang desidido ka na, sino ba
ako para di-sumang-ayon sa iyong
kagustuhan. Ang iyong buhay naman
ang nakataya rito. (Matiim na
titingnan si
Borte) Okay lang ba sa iyo?
Borte: Opo!
Yesügei: Kung gayon, halina kayong dalawa
at kausapin natin ang mga
magulang mo Borte.
Matapos makipagkasundo sa mga
magulang ni Borte, ang mag-ama ay naglakbay pauwi sa kanilang dampa sa malayong
nayon ng Mongolia. (Si Temüjin ay si Genghis Khan.)
Elemento ng
Dula
1. Iskrip
Pinakakaluluwa ng isang dula
Lahat ng bagay na
isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip
Walang dula
kapag walang iskrip
2. Gumaganap o Aktor
Ang mga aktor o gumaganap ay ang
nagsasabuhay sa mga tauhang nasa iskrip
Sila ang bumibigkas ng diyalogo
Sila ang nagpapakita ng iba’t
ibang damdamin
Sila ang pinanonood na tauhan sa dula
3. Tanghalan
Anumang pook
na pinagpasyahang pagdausan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan
4. Direktor
Ang direktor ang namamahla at
nagpapakahulugan sa isang iskrip ng dula
Siya ang nag-iinterpret
sa iskrip mula sa pagpasya sa kaayusan ng tagpuan, ng kasuotan ng mga
tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan
5. Manonood
Sa kanila inilalaan ang isang dula
Sila ang
sumasaksi sa pagtatanghal ng mga aktor
Kohesiyong Gramatikal
Ang cohesive devic reference o kohesiyong
gramatikal na pagpapatungkol ay mga salitang nagsisilbing pananda upang hindi
paulit-ulit ang mga salita.
Mga halimbawa: ito, dito, doon, dito, iyon (Para sa
lugar/bagay/hayop)
sila, siya, tayo, kanila, kaniya (Para sa tao/hayop)
Nahahati ang kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol sa
dalawa, ang anapora at katapora.
1. Anapora- ito ay panghalip na ginagamit sa
hulihan bilang pananda sa pinalitang
pangngalan sa unahan.
Mga Halimbawa:
a) Kung makikita mo si Manoling,
sabihin mo lamang na ibig ko siyang makausap.
b) Si Rita’y nakapagturo sa
paaralanang-bayan, diyan siya nakilala ng iyong anak.
c) Kinausap ko si Manoling, sinabi ko sa kaniya na ang
kaniyang ginawa ay pangit.
2. Katapora- Ito ang panghalip na ginagamit
sa unahan bilang pananda sa pinalitang
pangngalan sa hulihan.
Mga Halimbawa:
a) Siya’y hindi karapat-dapat na magtaglay ng aking
apelyido, si Manoling
ay kahiya-hiya!
b) Ano ang mawawala sa akin pintasan man nila ako, pulaan
man ako ng mga tao?
Sanay akong katabi kita
‘John Paul Salvador’ ‘Trixie Usa’ sa mga apelyido pa lang namin,inaasahan na magkatabi na naman kami ng upuan.Sanay at komportable na akong siya ang katabi ko.Minsan tinutukso ako ng mga kaibigan ko na baka daw may gusto ako sa kanya o di kaya, siya daw may gusto sa akin.Nginingitian ko lamang sila sapagkat alam kong wala akong lihim na pagtingin sa kanya.Naging isa siyang mabuting kuya at kaibigan sa akin.
Minsan, naiisip kong ‘ang sama sama niya’ dahil kapag ako ay nakikisuyo sa kanya,mahaba habang pagkukumbinsi at pagdadrama pa ang gagawin ko para pumayag siya samantalang kapag yung iba kong kaklase ang makikisuyo sa kanya,agad agad pagbibigyan niya.Ngunit napagtanto ko,hindi niya lang pinapakita ang kabaitan niya,pinaparamdam niya lamang sa akin.Napatunyan ko ito nang nakisuyo ako sa kanya na bilhan niya ako ng patpat para sa takdang aralin namin, akala ko hindi niya ako bibilhan kasi tumanggi siya pero nagulat ako nang may inabot siya sa’kin tapos hindi niya pa pinabayaran,napangiti ako sa ginawa niya kahit iyon ay maliit na bagay lamang.
Sa tuwing ako ay may problema, sa kanya ako nagsusumbong.Pinapakinggan niya ako at binibigyan ng payo na nagpapagaan ng loob ko.Laking pasasalamat ko na nakilala at naging katabi ko siya.Isa siya sa mga kaibigan na hindi ko makakalimutan.Sana,sa mga susunod na taon,siya pa din ang katabi ko dahil nasanay na akong katabi siya.
Aking natutunan sa Araling ito:
---
Inatasan kami ng aming guro
na
Gumawa ng isang sanaysay tungkol sa aming katabi at
gumamit ng mga kohesiyong gramatikal.
Sanay akong katabi kita
Sa bawat silid-aralan, ang mga estudyante ay inaayos ayon sa pagkakasunod sunod ng unang letra ng kanilang apelyido sa alpabeto at ayon na rin sa pagkaalternatibo ng babae’t lalaki.
Simula ng tumuntong ako ng Sekondarya, siya na ang katabi ko ng upuan.Marami na rin kaming napagdaanan,tawanan,asaran,pikunan at tampuhan.Kahit na minsan nag-aaway kami nangingibabaw pa rin ang aming samahan at pagkakaibigan . ‘John Paul Salvador’ ‘Trixie Usa’ sa mga apelyido pa lang namin,inaasahan na magkatabi na naman kami ng upuan.Sanay at komportable na akong siya ang katabi ko.Minsan tinutukso ako ng mga kaibigan ko na baka daw may gusto ako sa kanya o di kaya, siya daw may gusto sa akin.Nginingitian ko lamang sila sapagkat alam kong wala akong lihim na pagtingin sa kanya.Naging isa siyang mabuting kuya at kaibigan sa akin.
Minsan, naiisip kong ‘ang sama sama niya’ dahil kapag ako ay nakikisuyo sa kanya,mahaba habang pagkukumbinsi at pagdadrama pa ang gagawin ko para pumayag siya samantalang kapag yung iba kong kaklase ang makikisuyo sa kanya,agad agad pagbibigyan niya.Ngunit napagtanto ko,hindi niya lang pinapakita ang kabaitan niya,pinaparamdam niya lamang sa akin.Napatunyan ko ito nang nakisuyo ako sa kanya na bilhan niya ako ng patpat para sa takdang aralin namin, akala ko hindi niya ako bibilhan kasi tumanggi siya pero nagulat ako nang may inabot siya sa’kin tapos hindi niya pa pinabayaran,napangiti ako sa ginawa niya kahit iyon ay maliit na bagay lamang.
Sa tuwing ako ay may problema, sa kanya ako nagsusumbong.Pinapakinggan niya ako at binibigyan ng payo na nagpapagaan ng loob ko.Laking pasasalamat ko na nakilala at naging katabi ko siya.Isa siya sa mga kaibigan na hindi ko makakalimutan.Sana,sa mga susunod na taon,siya pa din ang katabi ko dahil nasanay na akong katabi siya.
Subscribe to:
Posts (Atom)