Sunday, December 7, 2014

Aralin 3.3

Aralin 3.3


 Disyembre 02,2014
Noong nakaraang linggo, natapos naming italakay ang pangalawang aralin tungkol sa "Parabula at Talinghaga". Noong nakaraang biyernes, tinalakay nila ang  'Parabula ng Banga'. At dahil wala kaming mga girls scout, nagbalik-aral kami tungkol doon. Napakaganda ng mensahe ng parabulang iyon na kung saan inihantulad sa isang babae ang bangang gawa sa lupa at sa lalaki naman ang porselana. Pagkatapos, nagkaroon kami ng pagsasanay kung saan bibigyan namin ng literal at metaporikal na kahulugan at gagamitin namin ito sa isang pangungusap. Bilang pangkatang gawain, ihahambing namin ang epiko at parabula at iuulat namin ito kinabukasan.

Disyembre 03,2014
Pagkatapos mag-ulat ng bawat grupo, nagkaroon kami ng gawain kung saan gagawa kami sariling parabula tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa pag-aaral. Sapagkat hindi namin ito natapos, ginawa na lang namin itong takdang aralin.

Disyembre 04,2014
 Bilang panimula sa bagong aralin, tinanong kami ng aming guro kung paano namin inilalabas ang aming galit o anong ginagawa  namin kapag nagagalit. May sumagot na nagsusulat, dinadaan na lang sa tawa, pagkain , yung iba natutulog, gumagala at kung anu-ano pa. Pagkatapos may, ipinarinig sa amin ang aming guro na isang voice record. Naantig ang aking puso sa mensahe ng isang anak para sa kanyang mga magulang. Naiiyak na ako habang pinapakinggan ko iyon. Sinagutan namin ang ilang mga katanungan tungkol doon. Tinanong kami ng aming guro kung anong naramdaman namin noong may nawala isa sa mahal namin sa buhay. Pinasulat na lang ng aming guro ang aming mga kasagutan dahil medyo emosyonal. Bago matapos ang oras namin, binilin ng aming guro na magkaroon ng kopya ng 'Elehiya sa Kamatayan ng aking Kapatid'

Disyembre 05,2014
Binasa namin ang 'Elehiya sa Kamatayan ng aking Kapatid' at bawat linya tinalakay namin upang maunawaan namin ang nilalaman at mensahe nito.