Sunday, January 18, 2015

Unang Linggo

"Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa amoy ng malansang isda" -Dr. Jose P.Rizal

Repleksyon sa Linggong ito...
                 Sa wakas at tapos na rin ang aming Ikatlong Markahang Pagsusulit. Ito ay hudyat para sa pagsisimula ng Ikaapat at huling markahan. Sa mga nakaraang baitang, pinag-aralan namin ang ‘Ibong Adarna’(baitang 7) at ‘Florante at Laura’(baitang 8). Ngayong Ikaapat na Markahan sa Ika-siyam na baitang, pag-aaralan naming ang ‘Noli Me Tangere’ na ang ibig sabihin ay ‘Huwag Mo Akong Salingin (Touch Me Not sa wikang Ingles).
        Ang klasikong babasahing ito ay patungkol sa buhay na ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Sa panahon ngayon, hindi natin maipagkakaila na halos sa mga kabataan ay hindi babasahin ang babasahing ito kung hindi kinakailangang pag-aralan ng kurikulum. Nakakalungkot isipin na mas nahuhumaling sila sa mga babasahin sa ‘wattpad’ o ‘english novels’. Sa totoo lang, isa ako sa mga kabataang iyon. Pero sana sa markahang ito, mabago ang aking pananaw sa mga ganitong uri ng babasahin.
                   



       



No comments:

Post a Comment