Saturday, January 10, 2015

Aralin 3.5

Repleksyon sa Linggong ito (.=^・ェ・^=)
Enero 06, 2015
          Isang manigong bagong taon !
          Iwan na natin ang mga masasakit at masaklap na alala noong nakaraang taon at dalhin ang mga aral na natutunan natin sa panibagong taon.
           Ito na ang huling linggo ng Ikatlong Markahan. Kaya naman tatalakayin namin ang mga aralin na natitira. Dumako naman kami sa Saudi Arabia at Israel. Sa araw na ito, tinalakay namin ang tungkol sa ‘sanaysay’. Madali na lang sa amin ito, sapagkat natalakay na ito noong nakaraang markahan. Bilang takdang aralin, kailangan naming manood na isang dokumentaryo at sagutin ang ilang mga katanungan.
Enero 07, 2015
           Tumawag ang aming guro ng dalawang estudyante upang magbahagi ng kanilang napanood na dokumentaryo.              
           Para sa aking takdang aralin, ito ay dokumentaryo ni Kara David na Mga Ulila ng Dagat. Ito ay tungkol sa magkakapatid na ulila na sa kanilang magulang at tanging paninisid ng lamang dagat na lamang ang kanilang ikinabubuhay. Hindi ko mapigilan ang aking mga luha habang pinapanood ko ito. Naisip ko na, napakaswerte ko dahil may mag magulang pa ako at  nakakakain kami ng maayos. Sobrang naawa ako sa kanila. Huminto na sila sa pag-aaral dahil sa problemang pinansyal.
           Ang aming takdang aralin ay alamin kung ano ang Synopsis at pangangatwiran. At magkaroon ng kopya ng Synopsis ng Isang Libong Isang Gabi.
Enero 08, 2015
           Wala si Gng. Mixto, kaya si Bb. Basbas ang humalili sa kanya. Nagpaskil siya ng biswal tungkol sa Synopsis at kinopya namin ito. Iyon lamang an gaming ginawa hanggang sa dumating ang aming susunod na guro.
Enero 09, 2015
           Huling araw na ng Ikatlong Markahan. Nagkaroon kami ng Summative Test sa Filipino tungkol sa mga natalakay ngayong markahan. Paghahanda na rin ito para sa aming Markahang Pagsusulit sa Lunes.

              

No comments:

Post a Comment