Friday, January 9, 2015

Aralin 3.4

Repleksyon sa Linggong ito ^u^
Disyembre 9, 2014
          Kadalasan sa mga estudyante natutuwa kapag walang pasok sa kadahilanang makapagpahinga sila. Hindi ko maipagkakaila sa sarili ko na isa ako sa kanila. Tulad ngayon, walang pasok dahil sa bagyo. Ngunit nakakalungkot para sa ating mga kababayang nasalanta at apektado sa Bagyong Ruby. Kahit alam ko na napakahirap ng sitwasyon nila, sana manalig par in sila sa ating Poong Maykapal. At huwag kalimutang ngumiti sa kabila ng lahat. ^o^
Disyembre 10-11, 2014
           Salamat sa Diyos at tumidi na rin ang malakas ng ulan dulot ng bagyo kaya naman may pasok na kami. Sa mga araw na ito, wala ang aming guro sa Filipino dahil abala siya sa pagtapos ng dyaryo ng Umalohokan. Inanusyo rin na lahat ng mga manunulat ng pahayagan (Umalohokan at The Stentor) ay kinakailangan asikasuhin at tapusin ang mga artikulo para sa dyaryo. At dahil isa ako sa manunulat ng The Stentor kaya wala kaming pasok sa mga klase namin. Abala ang bawat isa sa pagtapos ng kani-kanilang artikulo. Nagpapasalamat ako sa mga nagbigay ng tulong at konsiderasyon sa aming manunulat. Una, sa ating punongguro, sa mga guro namin sa bawat asignatura at lalo na sa aming mga kamag-aral. Ibinahagi nila ang mga bagay na kanilang tinalakay habang wala kami. Ayon sa kanila, pinagawa sila ng mga gawain ukol sa mga naging aralin namin.
Disyembre 12, 2014

              Sa araw na ito, bumalik  na si Gng. Mixto. Tinalakay namin ang Oda at Dalit. Nagtanong din siya kung ano ang pinagkaiba nito sa Elehiya. Sa katunayan, ngayon ko lang  nalaman ang kahulugan ng Dalit at Oda. Ang pinagkaiba ng mga ito , ang Elehiya ay isang madamdaming tula para sa namatay na mahal sa buhay. Ang Dalit naman ay isang akdang pampanitikan na nagpaparangal sa kakaibang ginawa ng tao. Samantala ang Oda ay karaniwang isang liriko o isang uri ng tulang awitin na nakasulat

No comments:

Post a Comment