ARALIN 2.3
TAIWAN

Ang
Kababaihan ng Taiwan, Ngayon at Noong Nakaraang 50
Taon
isinalin sa
Filipino ni Sheila C. Molina
Ang bilang ng populasyon ng kababaihan sa mundo ay 51% o 2% na mataas kaysa kalalakihan. Maaaring isipin ng ilan na ang kababaihan ay nakakukuha ng parehong pagkakataon at karapatan gaya ng kalalakihan. Ilang kababaihan lamang sa buong mundo ang nakakakuha ng pantay na karapatan atpaggalang tulad sa kalalakihan. Ang tungkulin at kalagayan ng kababaihan ay unti-unting nagbabago sa nakalipas na 50 taon. Ito ay makikita sa dalawang kalagayan: una ang pagpapalit ng gampanin ng kababaihan at ang ikalawa ay ang pag-unladng kanilang karapatan at kalagayan. Nakikita ito sa Taiwan.
Ang unang kalagayan noong nakalipas na 50 taon, ang babae sa Taiwan ay katulad sa kasambahay o HOUSEKEEPER

Ngayon, nabago na ang tungkulin ng mga babae at ito ay lalong naging komplikado. Sa bahay ng mga Taiwanese, sila pa rin ang may pananagutan sa mga gawaing-bahay. Ngunit sa larangan ng trabaho, inaasahang magagawa nila kung ano ang nagagawa ng kalalakihan. Sa madaling salita, dalawang mabibigat na tungkulin ang nakaatang sa kanilang balikat.
Ang ikalawang kalagayan ay pinatutunayan ng pagtaas ng kanilang sahod, pagkakataong makapag-aral, at mga batas na nangangalaga sa kanila. Karamihan sa mga kompanya ay nagbibigay ng halaga sa kakayahan ng babae at ang mga kinauukulan ay handang kumuha ng mga babaeng may kakayahan at masuwelduhan ng mataas. Tumataas ang pagkakataon na umangat ang babae sa isang kompanya at nakikita na ring may mga babaing namamahala. ISA

At ang huling kalagayan ay ang pagbabago ng mga batas para sa pangangalaga sa kababaihan ay nakikita na rin. Halimbawa, sa Accton Inc., ISA

Bilang pagwawakas, naiiba na ang gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kung ihahambing noon. Ang kanilang karapatan at kahalagahan ay binibigyan na ng pansin. Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga babae ay tumatanggap na ng pantay na posisyon at pangangalaga sa lipunan. Mayroon pa ring mga kompanya na hindi makatarungan ang pagtrato sa mga babaing lider nito.
Marami pa ring kalalakihan ang nagbibigay ng mabigat na tungkulin sa kanilang asawa sa tahanan. Ito ay matuwid pa rin sa kanila. Marami pa ring dapat magbago sa kalagayan ng kababaihan sa Taiwan at malaki ang aking pag-asa na makita ang ganap at pantay na karapatan nila sa lipunan.
Dumako naman tayo sa mga kababaihan sa Pilipinas
Pagbibigay
Kapangyarihan sa Kababaihang Pilipino sa Pamamagitan ng
Estadistikang
Kasarian
“Babae, pasakop
kayo sa inyong asawa,” isang pahayag na hinango sa Banal na Aklat at naging
panuntunan ng balana rito sa daigdig sa lahat ng panahon.
Lahat ng bagay ay nagbabago kaya nga walang permanente sa mundo. Ang dating kiming tagasunod lamang ay natutong tumutol laban sa karahasan sapagkat hindi na matanggap ang dinaranas na kaapihan. Kaniyang ipinaglaban ang sariling karapatan upang makapagpasiya sa sarili. Lakas-loob din niyang hiningi ang karapatang maisatinig ang matagal nang nahimbing na pagnanasang maging katuwang hindi lamang sa tahanan kundi maging sa paghubog ng lipunan para sa isang maunlad, matahimik at kaaya-ayang kinabukasan.
Sa ngayon, ang kababaihan ay unti-unting na ring napahalagahan. Hindi man ito maituturing na ganap dahil sa patuloy na mga karahasang pantahanan na pawang mga kababaihan ang nagiging biktima. Ang sexual harassment na madalas ay daing ng mga kababaihan ay nagdaragdag sa mga suliraning pambansa.
Ang babae ay katuwang sa pamumuhay. Hindi sila katulong na tagasunod sa lahat ng mga ipinag-uutos ng ilang nag-aastang “Panginoon”. Sila’y karamay sa suliranin at kaagapay sa mga pangyayaring nagdudulot ng pait sa bawat miyembro ng pamilya.
Tunay na ang mga kababaihan ay hindi lamang kasama kundi kabahagi sa pagpapaunlad ng bayan sa lahat ng panahon.
Marami na ring samahan ang itinatag upang mangalaga at magbigayproteksiyon
sa mga kababaihan. Ilan sa mga ito ay Gabriela, Tigil-Bugbog Hotline at marami pang iba. Patuloy ang mga samahang ito sa pakikibaka upang sugpuin ang patuloy na diskriminasyon sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan. Layunin nilang mabigyan ng edukasyon at kamulatan sa mga karapatang dapat ipakipaglaban ng mga kababaihan.

- halaw sa Sandigan I
(Kalipunan ng mga Banghay-Aralin
sa Pagtuturo ng Filipino ) ni Lolita M. Andrada
Pagsusuri
May parehong layunin ang bansang Pilipinas at Taiwan at Ito ay ang
pangalagaan ang karapatan ng mga Kababaihan.Sa dalawang sanaysay/editoryal,
parehong itong tumatalakay sa pagbabago ng mga kababaihan,noon at ngayon.Ngunit
sa kabilang banda,magkakaiba ang Maternity Leave ng mga kababaihan sa dalawang
bansa.Sa Taiwan isang taon and Maternity Leave samantalang sa Pilipinas ay 2-3
buwan lamang.
Editoryal
Ang editoryal o pangulong tudling ang
pangunahing tudling ng kuro-kuro ng isang pahayagan.Kumakatawan ito sa
sama-samang panindigan ng patnugutan kaya sinasabing kaluluwa ng publikasyon.
Ito’y isang mapanuring pagpapakahulugan ng isang pangyayari
upangmakapagpaniwala,magbigay-kaalaman o makalibang
Tatlong Bahagi
1.Panimula – Nagpapakilala sa paksa
2.Katawan/Gitna – Naglalahad ng tala
o ideya na laban o sang-ayon sa paksa
3.Pang-wakas – Nagpapatibay ng kuro-kuro
Inatasan kami ng aming guro na pumili ng isang larawan na nakapaskil sa
harapan at gumawa ng isang editoryal.Bilugan ang mga pangatnig na ginamit.

Nagkaroon din kami ng pangkatang gawain.Napunta sa amin ang larawan ng isang Papa.Ang aming gawain ay, ilarawan ang larawan.Gumamit ng mga pangatnig at bilugan ito.Sa kasamaang palad, dalawang pangatnig lamang ang nagamit namin kaya dalawang puntos lamang ang binigay sa aming grupo.
Aking Natutunan sa Araling ito :
---
Tumawag siya ng mga piling
mag-aaral upang basahin ang kanilang gawa at isa ako sa napili, kaya binasa ko
ang aking gawa sa harap ng klase.

Nagkaroon din kami ng pangkatang gawain.Napunta sa amin ang larawan ng isang Papa.Ang aming gawain ay, ilarawan ang larawan.Gumamit ng mga pangatnig at bilugan ito.Sa kasamaang palad, dalawang pangatnig lamang ang nagamit namin kaya dalawang puntos lamang ang binigay sa aming grupo.
No comments:
Post a Comment