Aralin 2.5
Mongolia
Ang Mongolia
ay isang bansa sa Silangan at Gitnang Asya na lubos
na napapalibutan ng kalupaan. Nasa hilaga ng hangganang nito ang Russia at sa timog ang China. Kahit hindi nito
kahangganan ang Kazakhstan, ang
pinakakanlurang dulo nito ay 38 kilometro lang ang layo sa pinakasilangang dulo
ng Kazakhstan. Ulan Bator ang kabisera at
pinakamalaking lungsod ng Mongolia, kung saan 45 porsiyento ng populasyon ng
bansa ay dito nakatira. Ang pamahalaan ng Mongolia ay isang republikang
parliyamentaryo.
Munting Pagsinta
mula sa pelikulang Mongol: The Rise of Genghis Khan
ni Sergei Bordrov
Hinalaw ni Mary Grace A. Tabora
Mga Tauhan:
Temüjin- anak ni Yesügei na mula sa Tribong
Borjigin
Yesügei- ama ni Temüjin
Borte- isang dalaginding na taga ibang
tribo
Tagpuan: Kawangis ng madilim na kalangitan
ang nadarama ng magiting na mandirigmang naninimdim sa takbo ng kapalarang
sinapit na nakatalungko sa isang sulok ng makipot at karima-rimarim na piitan.
Temüjin: Anong saklap na mapiit sa
kulungang malupit? Ito ay silid ng
kalungkutan.Tila
kailan lamang nang kasa-kasama ko si ama…
Yesügei: Temüjin, bilisan mo na riyan. Kailangan nating magmadali?
Temüjin: Bakit ama?
Yesügei: Malayo ang ating lalakbayin. Kailangang huwag tayong
magpatay-.
patay. Mahalaga ang ating
sasadyain.
Temüjin: Naguguluhan ako sa iyo ama. Kanina ka pa nagmamadali at
sinasabing mahalaga ang ating
sadya sa ating pupuntahan? Ano ba
iyon?
Yesügei: Ika’y siyam na taong gulang na, sa edad mong iyan Temüjin ay
dapat ka nang pumili ng iyong
mapapangasawa.
Temüjin: Itay ako’y masyado pang bata para sa bagay na iyan. Ang
kasal ay
sa matatanda lamang.
Yesügei: Aba’t ang batang ito, hindi naman ibig sabihin na kapag
nakapili ka
na ng babaing pakakasalan mo ay
magsasama na kayo. Isang
simpleng pamimili lamang ng babae
ang gagawin mo at pangakong
siya’y iyong pakakasalan.
Temüjin: Ganoon po ba iyon?
Yesügei: Oo, anak.Tayo’y nabibilang sa Tribong Borjigin kaya’t ikaw
ay pipili
ng babaing mapapangasawa sa
Tribong Merit.
Temüjin: Bakit sa Tribong Merit siya kailangang magmula? Hindi naman
iyon
ang ating tribo.
Yesügei: Malaki ang atraso ko sa tribo, kaya’t sa ganitong paraan
ako’y
makababawi sa kanila.
Temüjin: Sa tingin mo ba ama sa ating gagawin ay kalilimutan na nila
‘yon
nang ganoon na lamang.
Yesügei: Hindi ko alam. Tingnan natin kung ano ang mangyayari. Mas
mabuting may gawin akong paraan
kaysa sa wala.
Temüjin: Kung iyan po ang sa tingin ninyo’y tama.
Tagpo:
Sa maliit na nayong liblib na kinatatayuan ng ilang kabahayan.
Yesügei: Temüjin, magpahinga muna tayo.
Temüjin: Mabuti ‘yan ama. Napagod na rin
ako. Gagalugarin
ko lamang ang paligid.
Yesügei: Huwag kang lalayo at mag-iingat ka.
Tagpo: Mapapadpad si Temüjin sa isang
dampa kung saan nakatira ang dalaginding na si Borte. Mabibigla siya sa di
inaasahang pagbagsak ng pinto ng kanilang kusina na likha ng aksidenteng
pagkabuwal ni Temüjin.
Borte:
Aaay! May magnanakaw!
Temüjin: Shhh (Tatakpan ang bibig ni Borte). ‘Wag kang sumigaw, wala
akong gagawing masama.
Borte:
(Pipiliting magsalita kahit nakatakip ang bibig.)
Temüjin: Tatanggalin ko ang pagkakatakip ng bibig mo kung mangangako
kang hindi ka
na mag-iingay. Magtiwala ka sa akin hindi ako.
masama
(Habang dahan- dahang inaalis ang kamay sa bibig ni
Borte.)
Borte: (Sa isang mahinang tinig) Bakit
kita paniniwalaan? Di naman kita
kilala.
Temüjin: Kahit di mo ako kilala kaya kong
patunayan sa iyo na ako’y mabuti.
Borte: (Mariing pagmamasdan si Temüjin)
Aber paano mo patutunayan ‘yang
sinasabi mo?
Sige nga! (Taas noo).
Temüjin: Basta ba di mo ako pagtatawanan
sa sasabihin ko sa iyong patunay.
Borte: Tingnan natin.
Temüjin: (Tila seryosong nag-iisip na may
ngiti sa labi)
Borte: Anong nginingiti mo riyan? Sabi
mo ‘wag akong tatawa, ikaw lang pala
ang tatawa.
Temüjin: Heto na, handa ka na ba?
Borte: Kanina pa, ang bagal mo naman.
Temüjin: Nais ko sanaaaannnng
(magkakandautal) sa…sanang ikaw ang
babaing
mapangasawa ko.( Mababa ang tono)
Borte: Siraulo ka ba? Niloloko mo ako
no? Kabata-bata pa natin.
Temüjin: Seryoso ako. Ano payag ka ba?
Borte: Ganon-ganon lamang ba iyon?
Temüjin: Alam kong mahirap akong
paniwalaan, hayaan mong ipaliwanag ko
sa iyo.
Kasama ko si Itay, kami’y papunta sa tribo ng mga Merit
upang pumili
ako ng aking mapapangasawa. Ngunit ikaw ang ibig ko,
ikaw ang
pinipili ko.
Borte: Anong mayroon sa akin, bakit ako
ang pinili mo?
Temüjin: Di ko rin alam. Ang tanging alam
ko lamang ay ito ang ibinigay ng
pagkakataon
sa akin. Ikaw ang aking nakita. Kaya naman
pagbigyan mo
na ako. Hindi naman ibig sabihin na pumayag ka ay
pakakasal na
tayo.
Borte: (Di pa rin makapaniwala sa bilis
ng mga pangyayari) Di ko malaman
kung ano ang
dapat kong sabihin sa iyo. (Nag-aalangan) Pero… sige
na nga.
Temüjin: Salamat sa iyo, ako’y labis mong
pinaligaya. Asahan mong hindi ka
magsisi sa
iyong desisyon.
Borte: (Nahihiya at halos di
makapagsalita) Paano na ngayon?
Temüjin: Siyempre tuloy pa rin ang buhay natin. (Masuyo ang
pagkakatingin
kay Borte) Pero darating ang
panahon na tayo’y mamumuhay sa
iisang bubong. Magkatuwang na
aarugain ang ating mabubuting
anak.
Borte:
Matagal pa iyon.
Temüjin: Oo, pangako babalikan kita pagkatapos ng limang taon. Halika
puntahan
natin si Ama. (Kukunin ang
kamay ni Borte.)
Tagpo:Magkahawak kamay na naglalakad
sina Temüjin at Borte sa paghahanap sa ama kay Yesügei na kanilang makikita na
nakatunghay sa ilog.
Temüjin: Ama!
Yesügeii: (Mapapaharap at
magpapalipat-lipat ang tingin sa dalawa pati sa
kanilang
kamay) Anong…Sino siya…Bakit?
Temüjin: Ama, siya po ang babaing napili
ko. Si Borte.
Borte: Magandang hapon po. Kumusta po
kayo?
Yesügei: Pero…
Temüjin: (Agarang magsasalita) Paumanhin
po sa pagdedesisyon ko nang di
nagpapaalam
sa inyo pero buo po ang loob ko sa aking ginawa. Sana’y maunawaan n’yo po ako.
Yesügei: Ganang desidido ka na, sino ba
ako para di-sumang-ayon sa iyong
kagustuhan. Ang iyong buhay naman
ang nakataya rito. (Matiim na
titingnan si
Borte) Okay lang ba sa iyo?
Borte: Opo!
Yesügei: Kung gayon, halina kayong dalawa
at kausapin natin ang mga
magulang mo Borte.
Matapos makipagkasundo sa mga
magulang ni Borte, ang mag-ama ay naglakbay pauwi sa kanilang dampa sa malayong
nayon ng Mongolia. (Si Temüjin ay si Genghis Khan.)
Elemento ng
Dula
1. Iskrip
Pinakakaluluwa ng isang dula
Lahat ng bagay na
isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip
Walang dula
kapag walang iskrip
2. Gumaganap o Aktor
Ang mga aktor o gumaganap ay ang
nagsasabuhay sa mga tauhang nasa iskrip
Sila ang bumibigkas ng diyalogo
Sila ang nagpapakita ng iba’t
ibang damdamin
Sila ang pinanonood na tauhan sa dula
3. Tanghalan
Anumang pook
na pinagpasyahang pagdausan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan
4. Direktor
Ang direktor ang namamahla at
nagpapakahulugan sa isang iskrip ng dula
Siya ang nag-iinterpret
sa iskrip mula sa pagpasya sa kaayusan ng tagpuan, ng kasuotan ng mga
tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan
5. Manonood
Sa kanila inilalaan ang isang dula
Sila ang
sumasaksi sa pagtatanghal ng mga aktor
Kohesiyong Gramatikal
Ang cohesive devic reference o kohesiyong
gramatikal na pagpapatungkol ay mga salitang nagsisilbing pananda upang hindi
paulit-ulit ang mga salita.
Mga halimbawa: ito, dito, doon, dito, iyon (Para sa
lugar/bagay/hayop)
sila, siya, tayo, kanila, kaniya (Para sa tao/hayop)
Nahahati ang kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol sa
dalawa, ang anapora at katapora.
1. Anapora- ito ay panghalip na ginagamit sa
hulihan bilang pananda sa pinalitang
pangngalan sa unahan.
Mga Halimbawa:
a) Kung makikita mo si Manoling,
sabihin mo lamang na ibig ko siyang makausap.
b) Si Rita’y nakapagturo sa
paaralanang-bayan, diyan siya nakilala ng iyong anak.
c) Kinausap ko si Manoling, sinabi ko sa kaniya na ang
kaniyang ginawa ay pangit.
2. Katapora- Ito ang panghalip na ginagamit
sa unahan bilang pananda sa pinalitang
pangngalan sa hulihan.
Mga Halimbawa:
a) Siya’y hindi karapat-dapat na magtaglay ng aking
apelyido, si Manoling
ay kahiya-hiya!
b) Ano ang mawawala sa akin pintasan man nila ako, pulaan
man ako ng mga tao?
Sanay akong katabi kita
‘John Paul Salvador’ ‘Trixie Usa’ sa mga apelyido pa lang namin,inaasahan na magkatabi na naman kami ng upuan.Sanay at komportable na akong siya ang katabi ko.Minsan tinutukso ako ng mga kaibigan ko na baka daw may gusto ako sa kanya o di kaya, siya daw may gusto sa akin.Nginingitian ko lamang sila sapagkat alam kong wala akong lihim na pagtingin sa kanya.Naging isa siyang mabuting kuya at kaibigan sa akin.
Minsan, naiisip kong ‘ang sama sama niya’ dahil kapag ako ay nakikisuyo sa kanya,mahaba habang pagkukumbinsi at pagdadrama pa ang gagawin ko para pumayag siya samantalang kapag yung iba kong kaklase ang makikisuyo sa kanya,agad agad pagbibigyan niya.Ngunit napagtanto ko,hindi niya lang pinapakita ang kabaitan niya,pinaparamdam niya lamang sa akin.Napatunyan ko ito nang nakisuyo ako sa kanya na bilhan niya ako ng patpat para sa takdang aralin namin, akala ko hindi niya ako bibilhan kasi tumanggi siya pero nagulat ako nang may inabot siya sa’kin tapos hindi niya pa pinabayaran,napangiti ako sa ginawa niya kahit iyon ay maliit na bagay lamang.
Sa tuwing ako ay may problema, sa kanya ako nagsusumbong.Pinapakinggan niya ako at binibigyan ng payo na nagpapagaan ng loob ko.Laking pasasalamat ko na nakilala at naging katabi ko siya.Isa siya sa mga kaibigan na hindi ko makakalimutan.Sana,sa mga susunod na taon,siya pa din ang katabi ko dahil nasanay na akong katabi siya.
Aking natutunan sa Araling ito:
---
Inatasan kami ng aming guro
na
Gumawa ng isang sanaysay tungkol sa aming katabi at
gumamit ng mga kohesiyong gramatikal.
Sanay akong katabi kita
Sa bawat silid-aralan, ang mga estudyante ay inaayos ayon sa pagkakasunod sunod ng unang letra ng kanilang apelyido sa alpabeto at ayon na rin sa pagkaalternatibo ng babae’t lalaki.
Simula ng tumuntong ako ng Sekondarya, siya na ang katabi ko ng upuan.Marami na rin kaming napagdaanan,tawanan,asaran,pikunan at tampuhan.Kahit na minsan nag-aaway kami nangingibabaw pa rin ang aming samahan at pagkakaibigan . ‘John Paul Salvador’ ‘Trixie Usa’ sa mga apelyido pa lang namin,inaasahan na magkatabi na naman kami ng upuan.Sanay at komportable na akong siya ang katabi ko.Minsan tinutukso ako ng mga kaibigan ko na baka daw may gusto ako sa kanya o di kaya, siya daw may gusto sa akin.Nginingitian ko lamang sila sapagkat alam kong wala akong lihim na pagtingin sa kanya.Naging isa siyang mabuting kuya at kaibigan sa akin.
Minsan, naiisip kong ‘ang sama sama niya’ dahil kapag ako ay nakikisuyo sa kanya,mahaba habang pagkukumbinsi at pagdadrama pa ang gagawin ko para pumayag siya samantalang kapag yung iba kong kaklase ang makikisuyo sa kanya,agad agad pagbibigyan niya.Ngunit napagtanto ko,hindi niya lang pinapakita ang kabaitan niya,pinaparamdam niya lamang sa akin.Napatunyan ko ito nang nakisuyo ako sa kanya na bilhan niya ako ng patpat para sa takdang aralin namin, akala ko hindi niya ako bibilhan kasi tumanggi siya pero nagulat ako nang may inabot siya sa’kin tapos hindi niya pa pinabayaran,napangiti ako sa ginawa niya kahit iyon ay maliit na bagay lamang.
Sa tuwing ako ay may problema, sa kanya ako nagsusumbong.Pinapakinggan niya ako at binibigyan ng payo na nagpapagaan ng loob ko.Laking pasasalamat ko na nakilala at naging katabi ko siya.Isa siya sa mga kaibigan na hindi ko makakalimutan.Sana,sa mga susunod na taon,siya pa din ang katabi ko dahil nasanay na akong katabi siya.
No comments:
Post a Comment