Tuesday, September 30, 2014

Sanaysay para sa hinahangaan kong guro :)

'Hinahangaan Ko Siya'
    "Hala! siya yung gurong taga-payo natin? Masungit daw yun."
    "Oo nga! nakakatakot!"
    Nang araw na malaman ko na siya yung gurong taga-payo namin,iyan ang kadalasang naririnig ko sa mga kamag-aral ko.Hindi ko rin maipagkakaila sa sarili ko na sinabi ko rin iyan.
    Unang araw ng klase,hindi ko maipaliwanag ang kabang naramdaman ko.Ayaw kong tumingin sa kaniya sa takot na baka matawag niya ako.Pinagpapawisan na yung mga palad ko sa sobrang kaba.
     Iyan ang aking unang impresyon sa aking gurong taga-payo nang ako ay nasa ikawalong baitang.Ngunit nabago ang lahat ng iyan simula nang makilala ko pa siya ng lubusan.Isang malaking kabaliktaran ang katangian niya sa una kong impresyon.Sa araw araw na pumapasok ako sa paaralan,lagi akong may baong pangaral galing sa kanya.Siya ang tumayong Ama ko sa loob ng paaralan.Siya ay isa sa mga naging inspirasyon ko upang mas lalo ko pang pag-igihan ang aking pag-aaral.Sobrang dami kong natutunan galing sa kanya,pang-akademiko at kabutihang asal.Sa panahon na hawak niya kami, marami akong naging realisasyon sa mga bagay bagay.Siya ang kauna-unahang guro ang nagpaiyak sa akin dahil sa kaniyang "words of wisdom",na hanggang ngayon binabaon ko pa.
     Hinahangaan ko siya sa pagiging mabuting ama,taga-pakinig kung sakaling kami ay may suliranin,taga-payo at pagiging huwarang guro.Sa mga oras na sumasali ako sa mga paligsahan,nakakalungkot isipin na hindi ko kailanman naramdaman ang suporta na aking pamilya pero kahit ganun,hindi ako nawalan ng lakas ng loob dahil alam kong nandiyan siya upang sumuporta.Marami akong paboritong guro,lahat ng guro ay hinahangaan ko,ngunit may nangingibabaw lang talaga.

     Sa pamamagitan ng sanaysay na ito,nais ko siyang batiin ng, "MALIGAYANG ARAW NG MGA GURO, G. FERNANDO P. TIMBAL!". Maraming maraming salamat po sa lahat ng bagay na naitulong niyo sa akin.Hangad ko po ang iyong kabutihan.Nawa'y marami ka pa pong mabigyang inspirasyon na mga mag-aaral.Isa ka pong Huwarang Guro!

4 comments: