Masasayang
Karanasan at Bagong Kaalaman na Babaunin Magpakailanman
Napakahalaga
ng asignaturang Filipino dahil binibigyang tuon nito ang ating sariling wika at
kultura. Kaya nga nang narinig ko sa balita ang planong pagtanggal ng
asignaturang Filipino sa kolehiyo, hindi ako sumang-ayon.Kapag mangyari ito,
maraming guro ang mawawalan ng trabaho. Kailangang kailangan natin ang
asignaturang ito lalo na ngayon na lumalaganap na ang mga taong tumatangkilik sa kultura at lenggwahe ng ibang bansa na tila
kinakalimutan na ang sariling atin.
Sa pagtuntong
ko ng baitang siyam, napuna ko na walang pinagbago ang mga aralin o mga
pinag-aralan namin sa gramatika noong nasa ika-walong baitang pa lamang kami.
Paulit-ulit lamang siyang tinatalakay subalit marami pa ring nagkakamali at
nalilito. Hindi ko ipagkakaila na isa ako roon.
Sa unang markahan hanggang ikatlong
markahan, puro gramatika ang aming tinalakay. Doon
ko naunawaan ang mga tamang paggamit ng mga
salita at bantas. Ginagamit nga namin araw-araw ngunit hindi namin napupuna
kung ang paggamit ba namin ay tama o mali.
Florante at Laura ang aming naging talakayan
sa ikaapat na baitang noong nasa ika-walong baitang kami. Gumawa rin kami ng
isang buong pelikula ng akda na tinlakay. Subalit, sa kasamaang palad hindi
kami nagtagumpay na gawin ito ng maayos. Mga baguhan pa lamang kami sa larangan
ng pag-arte. Aaminin ko na hindi ako naging epektibo na pinuno ng aming grupo
noon sapagkat nanibago ako sa dami ng hinahawakan kong miyembro. Naging
malaking aral ito sa akin.
Ngayon, sa
aming ikaapat na markahan, tinalakay
namin ang tungkol sa nobelang Noli Me Tangere. Nasubok ang aming kakayahan sa
pag-arte at pag-edit na isang pelikula. Hindi ako marunong mag-edit, kaya hanggang sa pag-arte lamang
ako. Ngunit sisikapin kong pag-aralan ito. Sa tulong niya, naunawaan namin ang
kabuuan at bawat detalye ng nobela. Sa mga nakaraang baitang, naririnig ko
lamang ang mga tauhan sa nobela. Minsan nababanggit ng mga lolo’t lola ko ang
tungkol kay Maria Clara pati sa aking Ina. Sa English Next Top Model, may gumanap bilang si Crisostomo Ibarra
ngunit hindi ko alam kung sino at anong kwento siya galing. Napapanood ko naman
sa telebisiyon ang tungkol sa paghahanap ni Sisa sa mga anak niyang sina
Crispin at Basilio ngunit hindi ko sila kilala. Labis ang aking tuwa nang
tinalakay namin ito dahil sa wakas nakilala ko na rin sila, alam ko na ang kwento ng buhay nila at alam
ko na rin ang mga tungkuling ginampanan nila sa ating lipunan lalo na sa mga
modernong bersiyon nila sa kasalukuyan.
Masarap…
Minsan pagkain,
Kadalasan mag-aral.
Sobrang nakakapagod mag-aral. Pupunta
ng paaralan, uupo, makikinig, sasagot sa tanong ng guro, uwian, magpupuyat para
sa takdang aralin at magkakagulo dahil sa pangkatang gawain tapos. Nakakasawa
laging ganyan. Ngunit kapag iisipin mo, napakasarap maging buhay estudyante. Isang beses lang natin ito mararanasan sa buhay
natin. Kung tutuusin, dapat pa nga magpasalamat pa tayo at naranasan natin ang mga
bagay na iyon. Sapagkat may ibang tao na hindi naranasan ang pagiging
estudyante, maaaring dahil sa hirap ng buhay o nag-asawa ng maaga. Sulitin
natin ang mga araw kasama ang mga makukulit na kaklase na minsan walang mga
papel at mga maunawain at mapagmahal
na mga guro dahil balang araw, hahanap-hanapin natin iyon.
No comments:
Post a Comment