Salamat, Nandiyan Ka
Katahimikan... ganyan kami kapag naririnig na naming
ang kanyang mga yapak. Hudyat
ito na nandiyan na siya, ang aming guro sa Filipino.
Sumali ako bilang isang manunulat ng The Stentor – Opisyal na Pahayagan
ng Paaralan sa wikang Ingles. Doon
ko siya unang nakita sapagkat gurong taga-payo siya ng Opisyal na Pahayagan ng Paaralan sa
wikang Filipino – Ang Umalohokan. Aaminin
ko, nang una ko siyang nakita, ipinagdasal ko na, ‘Sana hindi ko siya maging
guro sa baitang siyam’ dahil nangangatog ang mga tuhod ko sa kaniya. Ngunit sa
kasamaang palad, naging guro ko siya. Takot na takot ako maging ang iba kong
mga kaklase.
Lahat ng mga masamang impresyon ko sa kaniya ay nabago simula noong araw na
nagsalita siya sa harapan. Napatanong ako sa sarili ko, ‘Bakit ko siya
pinag-isipan ng ganoon?’ Dapat hindi ko siya hinusgahan agad sapagkat
napakahusay niyang magturo. Walang aralin na hindi mo agad maunawaan kapag siya
ang nagturo. Hindi niya hahayaang dumako kami sa panibagong aralin hannga’t
hindi namin nauunawaan ang isang aralin. Isa pa sa mga hinahangaan kong
katangian niya ay ang pagsasalita ng diretsong tagalog at sa klase niya bawal
magsalita ng wikang Ingles. Sa ganito niyang katangian, litaw na litaw ang
kanyang pagiging makabayan at pagmamahal niya sa ating wika. Kaya naman naging Head siya ng Filipino Department. Nang ibinahagi niya sa amin ang
kanyang kwento tungkol sa pagkuha niya ng kurso sa kolehiyo, hindi ako makapaniwala
na hindi niya pala unang gusto ang major
in Filipino. Hindi talaga
kapani-paniwala sapagkat napakahusay niya magturo ng asignaturang Filipino.
Napakagaling niya ring magbigay ng mga kakaibang gawain upang mas lalo naming
maunawaan ang isang aralin. Isa na rito ay ang paggawa ng blog. Unang beses ko pa lang naranasan ang
gumawa ng isang blog. Dati gusto
magkaroon nito ngunit hindi ako marunong. Mabuti na lang at nandiyan siya at
natuto ako. Napakalaking tulong ito lalo na sa aming mga manunulat upang mahasa
ang aming kakayahan sa pagsulat. Natutuwa ako sa kanya sapagkat
nakikisabay din siya sa mga uso sa mga kabataan, kumbaga ‘bagets’ siya kaya nakakasundo namin siya.
Gayumpaman, mataas pa rin ang respeto namin sa kanya.
Sa
tulong niya, naging disiplinado ang bawat isa sa amin. Tinulungan niya kami na
magsalita sa harapan na may buong kumpiyansa sa sarili, mag-ulat ng may
paghahanda at pagkamalikhain, unawain ang mga aralin na maaari naming magamit
sa pang-araw-araw na pakikipag-usap, at higit sa lahat, ang pagpapahalagaat
pagtangkilik sa sariling atin. Hindi naman ibig sabihin nito na ipinagbabawal
ang paghanga sa kultura’t tradisyon ng iba basta huwag lamang kakalimutan kung
saan tayo nagmula’t isinilang. Kaya laking pasasalamat ko dahil nandiyan
siya.
Mabuti at nakatulong ang pagpapagawa ng blog sa pagsusulat mo. Salamat.
ReplyDelete