Friday, March 6, 2015

Ikawalong Linggo

"Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa amoy ng malansang isda" -Dr. Jose P.Rizal

Replesyon sa Linggong ito...
            Hindi maiiwasan ng bawat mag-aaral na makaramdam ng kaba sapagkat sa susunod na linggo na ang pagsusulit/ prelimilinary exam. Kaya naman tinalakay namin ang mga natitirang aralin ng mabilisan.
       Kung noong nakaraang linggo tinalakay naming ang mga pangyayaring may kaugnayan kay Ibarra, ngayong linggong ito, pinagtuunan namin ng pansin ang mga kabanata ng mga tauhan na may kaugnayan kay Ibarra. Una naming tinalakay ay ang taong pinakamalapit kay Ibarra, ang kanyang matalik na kaibigan na hindi siya iniwan kahit anong manyari, si Elias. Labis ang aking aking paghanga sa kanya. Kahit ang pamilya ni Ibarra ang dahilan ng kasawian ng kanyang pamilya, nanaig pa rin ang kanyang pagmamahal sa kanyang kaibigan. At sa kanyang buhay pag-ibig naman, isinantabi niya ang sariling kaligayahan para sa bayan.
       Tinalakay din namin ang dalawang babaeng tauhan sa nobela, ang kasintahan ni Ibarra na si Maria Clara at ang ulirang ina nina Crispin at Basilio na si Sisa.
        Ibang iba na talaga ang mga kababaihan ngayon kaysa noon. Sila Maria Clara at Sisa ay inilalarawan bilang mga mahinang babae at tunay na Pilipina sa nobela. Sa panahon ngayon, bihira na lang ang mga babaeng katulad nila. Ang mga babae ngayon, palaban na at may boses na sa lipunan. Kung ang mga kababaihan noon ay mga koserbatibo pagdating sa kanilang kasuotan, ngayon ay malaya nang makapagsuot ng mga kasuotang nais nila. Marami mang nagbago sa atin, ang bagay lamang na hindi magbabago sa atin ay ang pagmamahal natin sa ating bayan at ang pagiging Pilipino.


No comments:

Post a Comment