Saturday, November 15, 2014

Aralin 3.1-(Ikalawang Linggo)

Nobyembre 11,2014
       Ngayong araw na ito,wala ang aming guro sa Filipino na si Gng. Mixto.Inatasan niya si Bb. Basbas upang magturo sa aming klase ngunit sa kasamaang palad, masakit ang kanyang lalamunan kaya hindi siya maaaring magturo.Kaya kinausap niya ako at inatasan na magturo sa aming klase.Bago magpasukan, ibinigay ni Bb. Basbas ang aralin na aking tatalakayin pati na ang mga gawaing isasagawa at inaral ko ito ng mabuti upang maituro ko siya na maayos.Nakakatuwang isipin, kahit wala ang aming guro, nagawa nila akong  igalang at makinig sa aking pagtuturo.Ayon sa kanila, naunawaan naman daw nila ang araling tinalakay ko.Nagbigay ako ng pangkatang gawain na kung saan bawat pangkat ay pipili ng 10 salita na ginagamit sa paghahambing at gamitin ito sa pagbuo ng pangungusap.Mahuhusay sila sa paggamit ng mga salitang panghambing ngunit hindi pa sila ganoon kahusay sa tamang pagsulat ng pangungusap.Nakakaligtaan nila ang tamang paggamit ng malaking titik at paglalagay ng wastong bantas.Nakakalungkot isipin na bawat pangkat ay nakakuha ng mabababang puntos.Bago matapos ang oras ng Filipino, nagpauwi ako ng pangkatang gawain na kung saan pipili sila ng dalawang bansa sa Timog-Kanlurang Asya at ihambing ang mga ito.

Nobyembre 12,2014
       Ako muli ang nagturo sa araw na ito.Nagbalik aral kami sa mga tinalakay kahapon.Inatasan ko ang bawat lider ng pangkat na ipaskil ang kanilang pangkatang gawain.Ayon, sa sinabi ni Bb. Basbas, ang mag-uulat ay ang mag-aaral na may letrang “J” ang unang titik na kanilang pangalan.Pagkatapos ng pag-uulat nagbigay ako ng dalawang indibidwal na gawain.Ang unang gawain ay ang paghambingin ang dalawang dating babaing pangulo ng Pilipinas na sina Corazon Aquino at Gloria Arroyo.Ang pangalawang gawain naman ay bubuo sila ng pangungusap gamit ang mga salitang nakapaskil sa pisara.
       Pagkatapos kong magturo sa kanila,marami akong narinig na komento. Kahit ang iba ay negatibo ikinatuwa  pa rin ito ng aking puso dahil  nakita ko ang mga bagay na kailangan pang  mapaunlad.Naranasan ko kung gaano pala kahirap ang mga tungkulin ng bawat guro lalo na kapag ang mga estudyante ay pasaway pero kahit ganoon, masaya pa rin.
Nobyembre 13-14,2014
        Sa mga araw na ito,wala kaming  regular na klase dahil nagsasanay para NCAE ang mga mag-aaral sa baitang 9.
                       
        

No comments:

Post a Comment