Saturday, November 8, 2014

Aralin 3.1- (unang linggo)



Aralin 1
Bansang India
 Ang India o opisyal na tinutukoy na Republika ng India ay isang bansang matatagpuan sa Timog Asya. Ito ay ang ikaapat na pinakamalaking bansa sa buong mundo ayon sa lawak ng teritoryo.
Ang mga karatig-bansa ng India ay ang: Tsina, Pakistan, Bhutan, Myanmar, Nepal, at Bangladesh.
Ang mga pinakamahahalagang lungsod ay Mumbai (dating Bombay), New Delhi, Kolkata (dating Calcutta), at Chennai(dating Madras).

      Pinagkunan: http://tl.wikipedia.org/wiki/India


Unang Linggo ng Ikatlong Markahan
(Nobyembre 4-7,2014)
         Sa unang araw ng linggong ito, nagkaroon kami ng Paunang Pagsusulit upang masukat ang aming nalalaman tungkol sa araling aming  tatalakayin .Nakakatuwang isipin na kahit kaunti,may alam na kami sa araling tatalakayin.Sa sumunond na mga araw, tinalakay ng aming guro ang mga elemento sa paggawa ng isang Movie Trailer.Sa paggawa nito, mayroon walong element:
1.Istorya
2.Storyboard
3.Direktor
4.Sinematograpiya o ang larawang anyo ng pelikula
5.Disenyong set
6.Bisa ng tunog
7.Camera Operator
8.Sound men
            Ito ay malaking tulong sa amin upang makagawa ng kapana-panabik na Movie Trailer.Binigyan din kami ng aming guro ng mga halimbawa ng mga MovieTrailer at iba’t ibang uri ng mga shots.
           Tinalakay din namin ang Epiko.Ito ay isang uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang bayani sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala.Ang Ramayana at Mahabarata sa India kilalang pinakamahabang epiko sa buong mundo dahil mayroon itong 24,000 sanskrit o kabanata.Sa Pilipinas naman, kilala ang epikong, “Biag ni Lam-ang” na nagmula sa Rehiyon ng Ilocos.
           Nagkaroon kami ng takdang aralin kung saan, itatala naming ang katangian ng bawat tauhan sa Rama at Sita  at ang mga kababalaghang pangyayari pati na rin ang mga kabayanihang pangyayari.Sinagutan din namin ang mga tanong ukol sa epikong ito.http://filipinobaitang9.blogspot.com/2014/11/epiko-rama-at-sita-isang-kabanata.html )

No comments:

Post a Comment