ARALIN 1.4
>>>> Sanaysay
(uri ng sanaysay : pormal at di-pormal)
>>>> Akda : Kay Estella
Zeehandelaar
Salin ni Ruth Elynia S.
Mabanglo
Kay Estella Zeehandelaar
Salin ni Ruth Elynia S.
Mabanglo
Mula sa Mga Liham ng Isang
Prinsesang Javanese Japara,
Mayo 25, 1899
Ibig na
ibig kong makakilala ng isang “babaeng moderno,” iyong babaeng malaya,
nakapagmamalaki’t makaakit ng aking loob! Iyong masaya, may tiwala sa sarili,
masigla’t maagap na hinaharap ang buhay, puno ng tuwa at sigasig,
pinagsisikapan hindi lamang ang sariling kapakanan at kundi maging ang
kabutihan ng buong sangkatauhan.
Buong
kasabikan kong sinasalubong ang pagdating ng bagong panahon; totoong sa puso’t
isip ko’y hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng
aking mga puting kapatid na babae na tumatanaw sa malayong Kanluran.
Kung
pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong ibig gawin kundi
ang ipagkaloob ang sarili sa mga nagtratrabaho’t nagsisikap na bagong
kababaihan ng Europe; subalit nakatali ako sa mga lumang tradisyong
hindi maaaring suwayin. Balang-araw maaaring lumuwag ang tali at kami’y
pawalan,ngunit lubhang malayo pa ang panahong iyon. Alam ko, maaaring dumating
iyon, ngunit baka pagkatapos pa ng tatlo o apat na henerasyon. Alam mo ba kung
paano mahalin ang bago at batang panahong ito ng buong puso’t kaluluwa kahit
nakatali sa lahat ng batas, kaugalian at kumbensyon ng sariling bayan? Tuwirang
sumasalungat sa kaunlarang
hinahangad ko para sa aking mga kababayan ang lahat ng mga institusyon namin.
Wala akong iniisip gabi’t araw kundi ang makagawa ng paraang malabanan ang mga
lumang tradisyon namin. Alam kong para sa aking sarili’y magagawa kong iwasan o
putulin ang mga ito, kaya lamang ay may mga buklod na matibay pa sa alinmang
lumang tradisyon na pumipigil sa akin; at ito ang pagmamahal na inuukol ko sa
mga pinagkakautangan ko ng buhay, mga taong nararapat kong pasalamatan sa lahat
ng bagay. May karapatan ba akong was akin ang puso ng mga taong walang naibigay
sa akin kundi pagmamahal at kabutihan, mga taong nag-alaga sa akin ng buong
pagsuyo?
Ngunit
hindi lamang tinig nito ang umaabot sa akin; ang malayo, marikit at
bagong-silang na Europe ay nagtutulak sa aking maghangad ng pagbabago sa
kasalukuyang kalagayan. Kahit noong musmos pa ako’y may pang-akit na sa aking
pandinig ang salitang “emansipasyon”; may isang naiibang kabuluhan ito, isang
kahulugang hindi maaabot ng aking pang-unawa. Gumigising ito para hangarin
angpagsasarili at kalayaan- isang paghahangad na makatayong mag-isa. Ang puso
ko’y sinusugatan ng mga kondisyong nakapaligid sa akin at sa iba, buong lungkot
na pinag-aalab ang mithiin kong magising ang aking bayan.
Patuloy na
lumapit ang mga tinig na galing sa malayong lupain, umaabot sa akin, at sa
kasiyahan ng ilang nagmamahal sa akin at sa kalungkutan ng iba, dala nito ang
binhing sumupling sa aking puso, nag-ugat, sumibol hanggang sa lumakas at
sumigla.
Ngayo’y
kailangang sabihin ko ang ilang bagay ukol sa sarili upang magkakilala tayo.
Panganay ako sa tatlong babaing anak ng Regent ng Japara. Ako’y
may anim na kapatid na lalaki at babae. Ang lolo kong si Pangeran Ario
Tjondronegoro ng Demak ay isang kilalang lider ng kilusang
progresibo noong kapanahunan niya. Siya rin ang kaun-aunahang regent ng
gitnang Java na nagbukas ng pinto para sa mga panauhin mula sa
ibayong dagat-ang sibilisasyong Kanluran. Lahat ng mga anak niya’y may
edukasyong European, at halos lahat ng iyon (na ang ilan ay patay
na ngayon) ay umiibig o umibig sa kanlurang minana sa kanilang ama; at nagdulot
naman ito sa mga anak nila ng uri ng pagpapalaking nagisnan nila mismo.
Karamihan sa mga pinsan ko’t nakatatandang kapatid na lalaki ay nag-aral
sa Hoogere-Burger School, ang pinakamataas na institusyon ng
karunungang matatagpuan dito sa India. Ang bunso sa tatlong nakatatandang kapatid
kong lalaki’y tatlong taon na ngayong nag-aaral sa Netherlands atnaglilingkod
din naman doon bilang sundalo ang dalawa pa. Samantala, kaming mga babae’y
bahagya nang magkaroon ng pagkakataong makapag-aral dahil na rin sa
kahigpitan ng aming lumang tradisyon at kumbensyon. Labag sa aming
kaugaliang pag-aralin ang mga babae, lalo’t kailangang lumabas ng bahay
araw-araw para pumasok sa eskwela. Ipinagbabawal ng aming kaugalian na lumabas
man lamang ng bahay ang babae. Hindi kami pinapayagang pumunta saan man, liban
lamang kung sa paaralan, at ang tanging lugar na pagtuturong maipagmamalaki ng
siyudad namin na bukas sa mga babae ay ang libreng grammar school ng
mga European.
Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taong
gulang, ako ay itinali sa bahay-kinailangang “ikahon” ako. Ikinulong ako at
pinagbawalang makipaguganayan sa mundong nasa labas ng bahay, ang mundong hindi
ko na makikita marahil liban kung kasama ko na ang mapapangasawang estranghero,
isang dikilalang lalaking pinili ng mga magulang ko, ang lalaking ipinagkasundo
sa akin nang di ko namamalayan. Noong bandang huli, nalaman kong tinangka ng
mga kaibigan kong European na mabago ang pasyang ito ng mga
magulang ko para sa akin, isang musmos pa na nagmamahal sa buhay, subalit wala
silang nagawa. Hindi
nahikayat ang mga magulang ko; nakulong ako nang tuluyan. Apat na
mahahabang taon ang tinagal ko sa pagitan ng makapal na pader, at hindi ko
nasilayan minsan man ang mundong nasa labas.
Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang mga oras.
Ang tanging kaligayahang naiwan sa aki’y pagbabasa ng mga librong Dutch at
ang pakikipagsulatan sa mga kaibigang Dutch na hindi naman
ipinagbawal. Ito-ito lamang ang nag-iisang liwanag na nagpakulay sa hungkag at
kainip-inip na panahong iyon, na kung inalis pa sa akin ay lalo nang nagging
kaawa-awa ang kalagayan ko. Lalo sigurong nawalan ng kabuluhan ang buhay ko’t
kaluluwa. Subalit dumating ang kaibigan ko’t tagapagligtas-ang Diwa ng panahon;
umalingawngaw sa
lahat ng dako ang mga yabag
niya. Nayanig sa paglapit niya ang palalo’t matatag na
balangkas ng mga lumang
tradisyon. Nabuksan ang mga pintong mahigpit na nakasara, kusa ang iba, ang iba
nama’y pilit at bahagya lamang ngunit bumukas pa rin at pinapasok ang mga
di-inanyayahang panauhin.
Sa wakas,
nakita kong muli ang mundo sa labas nang ako’y maglabing-anim na taon. Salamat
sa Diyos! Malalabasan ko ang aking kulungan nang Malaya at hindi nakatali sa
isang kung sinong bridegroom. At mabilis pang sumunod ang mga
pangyayari nagpabalik sa aming mga babae ng mga nawala naming kalayaan.
Nang
sumunod na taon, sa oras ng pagtatalaga sa poder ng bata pang prinsesa (bilang
Reyna Wilhemina ng Netherland), “opisyal” na inihandog sa amin ng
mga magulang namin ang aming kalayaan. Sa kauna-unahang pagkakataon sa aming
buhay, pinayagan kaming umalis sa bayan naming at pumunta sa siyudad na
pinadarausan ng pagdiriwang para sa okasyong iyon. Anong dakila ng tagumpay
iyon! Ang maipakita ng mga kabataang babaeng tulad namin ang sarili sa labas,
na imposibleng mangyari noon. Nasindak ang “mundo” naging usap-usapan ang
“krimeng” iyon na dito’y wala pang nakagagawa. Nagsaya ang aming mga
kaibigang European, at para naman sa amin, walang reynang yayaman
pa sa amin. Subalit
hindi pa ako nasisiyahan.
Lagi, ibig kong makarating sa malayo, mas malayo. Wala akong hangaring
makipamista,o malibang. Hindi iyon ang dahilan ng paghahangad kong magkaroon ng
kalayaan. Ibig kong malaya upang makatayo ng mag-isa, magaral, hindi para
mapailalim sa sino man, at higit sa lahat, hindi para pag-asawahin nang sapilitan.
Ngunit dapat tayong mag-asawa,dapat, dapat. Ang
hindi pag-aasawa ang pinakamalaking kasalanang magagawa ng isang babaeng
Muslim. Ito ang pinakamalaking maipagkakaloob ng isang katutubong babae sa
kanyang pamilya.
At ang pag-aasawa para sa amin-mababaw pa ngang
ekspresyon ang sabihing miserable. At paano nga ba hindi magkakaganoon, kung
tila ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas, kung pabor para sa lalaki at
hindi para sa babae ang batas at kumbensyon; kung ang lahat ng kaluwaga’y para
sa kanya lang.
Sanaysay 1
Pinalaki tayo sa kasinungalingan. Bata pa lang
tayo, sinanay na tayo sa mga nilalang na hindi naman natin nakikita. kapre,
tikbalang, manananggal, tiyanak, multo at mangkukulam. Mga lamang-lupa raw ang
tawag dito. Nagtataka ako kung bakit hindi isinama ang kamote, sibuyas at luya.
Mga lamang-lupa din naman iyon.
Kapag nagkakasakit tayo, ipinipilit ng Nanay na
masarap ang lasa ng gamut para sa sakit mo. Kahit kalasa iyon ng tinta ng pentel
pen o panis na mantika. Para mapainom ka, kailangang pasinungalingang
pagkasarap-sarap ng gamot kahit pati sila kapag umiinom nito ay nagkakandangiwi
na rin sa simangot. At may batok ka galing kay Tatay kapag nailuwa mo at
naisuka. Sayang ang ipinambili ng gamot.
Sanaysay 2
Ang ating mundo ay nangangailangan ng balance upang
mapanatili nito ang kaayusan ng ecosystem. Ang ecosystem na
ito ang nagdidikta sa kaayusan o “pagiging balance” ng ating
kapaligiran at nagiging dahilan ng balanseng pamumuhay ng lahat ng nilalang na
nakatira dito sa ating planeta. Hindi lamang ang mga tao ang kasama sa usaping
ito. Mahalaga ring malaman na ang mga hayop at halaman na kasama nating
namumuhay rito ay nangangailangan din ng mabuting pamumuhay. Kung hindi
mapananatili ang balanseng sistema nito, maaaring magdulot ito ng mga problema
hindi lamang sa ating panahon kundi pati na rin sa mga panahong darating. Ayaw nating lahat na mangyari ito at magdusa ang
lahat. Gusto nating magkaroon ng magandang sistema ang ating mundo upang tayong
lahat na nabubuhay rito ay magkaroon ng maligaya at malinis na pamumuhay. Sa
mga basurang itinatapon nang walang kontrol sa araw-araw, dahan-dahan nating
sinisira ang ating kapaligiran lalo na ang mundong ating ginagalawan. Ngunit
may panahon pa para magbago ang ating nakasanayan. Maaari pa nating gawan ng
solusyon ang lumalalang problema sa basura lalo na sa ating lugar na
kinabibilangan. Sa mga produktong na ating binibili sa araw-araw, maaari nating
simulan ang recycle upang mapababa ang basura na likha ng mga
ito. Ang mga produktong gawa sa papel halimbawa ay maaari pang i-recycle upang
mabawasan
kahit kaunti ang basurang maaari nitong malikha sa ating mundo. Kung
hindi tayo kikilos sa ngayon, baka mahuli ang lahat. Ngayon na ang panahon
upang maisaayos ang suliranin natin sa basura at maging maayos ang ating pamumuhay
pati na rin ang pamumuhay ng mga darating na henerasyon.
Ipinapakita sa tekstong ito ang
kawalan ng karapatan ng mga kababaihang tulad ni Estella.Nakaramdam ako ng awa
sa kanya.Para sa akin, hindi makatarungan ang ginawa sa kanya at sa iba pang
kababaihan pero nirerespeto ko naman ang kanilang kultura’t tradisyon.
Sanaysay
Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na opinyon ng may-akda.
Dalawang
uri ng sanaysay
Di-pormal o pormal
Ang
sanaysay na pormal o palagayan ay mapang-, nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng
pagtatalakay sa mga paksang karaniwan, pang araw-araw at personal. Idinidiin
nito dito ang mga bagay-bagay, mga karanasan, at mga isyung bukod sa
kababakasan ng katanungang isang tao personalidad ng may-akda ay maaring
empatihayan o kasangkutan ng mambabasang medya ang pananalita ay parang
pinag-uusapan lamang ng magkakaibigan ang may-akda, ang tagapagsalita at mga
mambabasa at ang tagapakinig, kaya magaan at madaling maintindihan.
palakaibigan ang tono nito kaya pamilyar ang tono dahil ang pangalawang gamit
ay unang panauhan. Subhektibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala
ng may-akda ang pananaw.
No comments:
Post a Comment